21-I'm Sorry

64 9 5
                                    

(Play 2! 3! by BTS)

Agad akong tumakbo papunta sa emergency room nung nakarating ako sa ospital. Sinubukan kong magtanong-tanong pero  hindi nila ako maasikaso dahil nagkakagulo ang lahat. Naguguluhan na rin ako sa mga nangyayari. Halo-halo na yung mga nararamdaman ko. Napaiyak na lang ako sa thought na baka malala nga talaga ang lagay ni Justin.

---

"Gess!" napalingon ako kay Shan nung tinawag nya ko.

Halata sa muka nyang nag-aalala rin sya.

"Nasan sila?"

Hindi ako makasagot sa kanya dahil hirap na ko huminga kakaiyak.

"Na-nasa emergency si-si Justin"

"Kasama ba nya si Irish?"

"Magkasama sila nung naaksidente sila p-pero mas malala ang lagay ni Justin"

Tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha mula sa mata ko.

Umupo lang sa tabi ko si Shan at hindi nya ko iniwan hanggang sa may makuha kaming balita.

---

Ililipat na daw ng room si Justin kaya sinubukan muna naming puntahan si Irish kahit mas gusto kong makita agad si Justin.

---

Shan's POV

Pinuntahan namin si Irish. Aaminin ko, ang bilis ng kabog ng puso ko ngayon, lalo pa kanina nung sinabi sakin ni Gess na naaksidente sila Irish.

Nakaupo lang si Irish nung nakita ko sya. Naka-cast yung isa nyang braso. Hindi ko alam kung bakit pero naluha ako nung nakita ko sya.

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap ko sya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti lang sya ng bahagya sakin.

"Bakit ka umiiyak?" sabi pa nya sakin.

"Patayin kaya kita!" sabi ko pa sa kanya. Hindi ko alam kung pano nya panagagawang magloko sa mga ganitong oras eh.

"Muntik na nga kong mamatay eh" sabi pa nya sabay ngumiti na naman sya.

Tuloy-tuloy lang na tumutulo yung mga luha ko habang parang hindi man lang nasaktan si Irish sa mga nangyari.

"Ano ba kasing nangyari?!"

"Wag ka masyadong mag-alala," sabi pa nya sabay pinisil nya yung mga pisngi ko gamit yung isang kamay nya kaya napa-pout ako. Agad naman syang napahalakhak sa ginawa nya.

"Ok na naman ako eh, nabangga lang kami ng truck. Pwede na naman na ko umalis dahil nabayaran ko na yung bill ko at wala na silang gagawin pa dito sa braso ko. Babalik lang ako from time to time"

Bigla naman syang napatingin kay Gess na mukang nao-OP.

"Si Justin? Ok lang ba sya?"

"Ililipat pa lang sya ng room" sabi ko pa.

Tumayo si Irish na nagpakaba naman sakin.

"Irish!"

"Kaya kong lumakad. Puntahan natin si Justin"

Pinuntahan na namin yung room ni Justin. Timakbo agad si Gess papalapit kay Justin at umiyak sya ng umiyak. Pinakalma ko sya pero iyak lang sya ng iyak.

May mga sugat si Justin na maliliit katulad ni Irish pero unconscious pa rin sya.

---

Medyo kalmado na si Gess pero nakaupo sya sa upuan sa tabi ng kama ni Justin habang hawak nya ang kamay nito. Hanggang ngayon ay unconscious pa rin si Justin habang si Irish naman ay natutulog na sa sofa. Tinignan ko yung oras at 4:39 AM na. Nagpaalam ako kay Gess na bibili muna ako ng pagkain.

Bi My SideWhere stories live. Discover now