26-Graduation Party

55 7 2
                                    

Alam ko, oras ko na para magmove on. Alam ko, hindi naman deserve ng lahat ang masaktan, but one thing's for sure, everyone deserves to move forward and be happy. Moving on is never about forgetting what happened, it's about accepting things that happened in the past.

Para sakin, eto na muna siguro ang ending ng kwento ng buhay ko. Eto na muna siguro ang magiging simula ng pagmo-move on ko.

Pinunasan ko ang mga luha na tumutulo ngayon sa pisngi ko. Masyadong masakit yung ending ng kwento nila Shan at Irish.
Hindi ko lang alam kay Irish bakit pangalan pa namin ang ginamit nya. I'll admit maganda naman talaga yung storya, nakakabilib nga naman kasi talaga si Irish.

Binuksan ko ang laptop ko at gumawa na ko ng bagong article na ipa-publish sa blog ko.

---
Jersey's POV

"Congrats to us!" sabi pa ni Henz.

Yinakap ko sya at nginitian.

Masaya kami pareho dahil graduate na kami. Malungkot, dahil wala dito si mama. Nung pinauna nya ko dito ay hindi ko na sya nakausap. Ni balita ay wala.

Napansin ni Henz na malungkot ako kaya hinalikan nya ko sa noo.

"Boo, may problema ba?"

"Wala" sagot ko at ngumiti na lang sa kanya.

Nag-drive kami papunta sa bahay nila Olga. Uso talaga ang mga party dito. Hindi dapat kami pupunta ni Henz pero naisipan namin na pumunta na rin.

Matagal na si Henz dito pero never pa daw syang pumunta sa mga party-party na yan.

Sa mga taong nag-aral ako dito, never akong nakapunta sa parties dahil pinipigilan din ako ni Henz.

Matagal ding byahe ang papunta dun sa party.

Nung nakarating na kami ay sinalubong kami ni Olga. Agad nya pang hinawakan yung isang braso ni Henz. Hinila nya si Henz papasok ng bahay at biglang humigpit yung hawak sakin ni Henz.

"Finally, you're here" narinig kong sabi ni Olga kahit maingay. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung ginawa nya sakin nung first day ko. Masyadong nakakairita.

In a way, nakakairita yung ingay dito. Couples were making out everywhere. Meron pang mga nagbe-beer pong. Kahit saan ako tumingin ay hindi ko nae-enjoy yung mga nakikita ko.

May bigla na lang humila kay Olga kaya napahiwalay sya samin ni Henz. Hinawakan ako ni Henz sa bewang ko at nilapit sa katawan nya. Sinubukan naming maghanap ng lugar kung saan kami pwedeng tumambay pero wala kaming mahanap. Pumunta kami sa kitchen at walang tao don.

Nagulat kami pareho nung may narinig kaming moans. Tumingin kami sa likod ng counter at nakita naming may babae. Mag-isa lang sya kaya nagtaka kami nung nagmo-moan sya.

Nakadamit sya pero wala syang pang-ibaba. Tinanggal nya pa yung kamay nyang kaninang nilalaro yung kababaihan nya at tinitigan ito.

Hindi ko alam pero narinig nya ata kami ni Henz at napatingin sya samin. Nanlaki yung mata nya at agad syang tumayo dun at nagsuot ng damit.

Tumalikod lang kami ni Henz at hinintay na lumabas yung babae don.

Kumain na kami ni Henz at nagpromise kami sa isa't isang di kami iinom dahil mahirap na.

Kumakain kami sa kitchen at nag-uusap nung may couple na pumasok sa kitchen. Naghahalikan sila at tila ba hindi kami nakita ni Henz. Pareho silang nakapikit kaya hindi siguro nila kami nakita.

Tinakpan ni Henz yung mata ko at inalalayan ako para makalabas kami ng kitchen.

"Uuwi na tayo" demand nya pa.

Pinagbuksan nya ko ng pinto at nag-drive na sya palayo sa bahay nila Olga.

"We shouldn't have gone there"

"Yah..."

"Sorry ah. Naisip ko lang kasi na masayang ma-experience yung ganon. Dapat di na lang talaga tayo pumunta"

Sa huli ay nag-drive kami papunta sa isang frozen yogurt place.

Nag-order kami ng pasta at kumain.

"Dapat dito na lang tayo kumain eh" sabi pa nya.

After namin kumain ay nagtake out na lang kami ng frozen yogurt. Nag-drive naman kami papunta sa isang cliff.

Nag-park sya kung saan kitang-kita namin yung stars. Lumabas kami pareho at kinain yung frozen yogurt namin.

Umakyat sya sa taas ng kotse at inalalayan rin nya ko para makaakyat kami.

Biglang tumunog yung phone nya kaya sinagot nya yun.

Di nagtagal ay binaba nya yung phone.

"Si Essie. Cinongratulate lang ako"

"Di ko tinatanong" sabay naman kaming tumawa pagkatapos kong sabihin yun.

Tumitig kami sa stars.

"Don't mind them. By the way, what's your name?" sabi pa nya habang hindi nakatingin sakin. Napagdesisyunan nyang samahan na lang muna ako at ito-tour na rin daw nya ko.

"Jersey Shin"

"The name's Henz Cr-" nagulat ako nung biglang tumunog yung phone nya at nag-excuse sya para sagutin yon.

Bigla nyang hinawakan yung kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

Napangiti ako sa pag-iisip kung paano kami nagkita.

"Boo, I love you" sabi pa nya.

"I love you too" sagot ko naman sabay patong ng ulo ko sa balikat nya.

Hinalikan nya yung noo ko at umakbay sya sakin.

Hindi ako nagsisisi na pumunta ako ng US at nakilala ko si Henz. Ang isang Henz Cruz na mamahalin ako ng buong-buo.

Bi My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon