32-Jersey's End

50 4 0
                                    

Jersey's POV

Simula nung nalaman ko yung nararamdaman sakin ni Shan, never kong inisip na lalapit pa rin ako sa kanya. Never kong inisip na may babalikan pa rin akong best friend after everything. Ni hindi ko alam na kaya pa pala naming isalba yung pagka-kaibigan namin. Yung pride lang talaga namin yung rason kung bakit hindi kami nagbabati.

"So how are you guys doing?" I asked. Wala akong maitanong na maayos. Napag-usapan na namin ang lahat. Our lives simula nung di na kami nagkikita at lahat lahat.

"Hiwalay na kami ni Jacob" ngumiti sya ng slight pagkatapos nyang sabihin yun.

"Sorry"

"Ok lang" medyo natahimik kami ng sandali.

"Sa totoo lang nagsisisi ako. Nakipaghiwalay kasi ako dahil feel ko nafo-fall out of love na ko. Pero ngayon, parang nami-miss ko sya. Parang may kulang sa buhay ko"

"I-text mo sya, Shan. Sabihin mo sa kanyang mahal mo pa sya. Makipag-balikan ka sa kanya, Shan"

Nag-dalawang isip sya pero kinuha nya yung phone nya.

Napa-buntong hininga na lang ako. Bigla kong namiss si Henz. Sinusuyo nya ko, oo. Pero parang hindi ko pa rin kasi sya kayang paniwalaan na hindi nya ko niloloko. Parang nararamdaman ko talaga na niloloko nya ko.

Kinwento ko sa kanya ang mga nangyayari samin ni Henz ngayon. Naging malungkot yung usapan namin kaya we decided na ibahin yung topic. Umalis na rin kami sa place after some time.

Paglabas namin ay naglakad-lakad lang kami. Tumatama sa muka ko yung hangin, ang sarap sa pakiramdam. Parang ang sarap din sa pakiramdam ngayon na maayos na kami ni Shan.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na alam ang nangyari. Tila bumagal ang lahat at nakita ko lang na nagkakagulo ang mga tao. Gusto kong umiyak, gusto ko nang mawala sa kung anong sitwasyon man to. Ayokong isipin na nangyari to. Ayoko isiping may mawawala, gusto kong maniwalang ok lang ang lahat.

Mga taong nagkakagulo, nagsisigawan, dugo.

"Ano ba yan!?"

"Tumawag kayo ng tulong!"



---
L. Park

So ayun, malapit na pong matapos tong librong to T.T Bibigyan ko ng sariling chap si Jacob at si Shan bago yung epilogue ;) so baka may 2 chaps pa before epilogue:*

Bi My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon