31-Olga

48 5 0
                                    

"Congratulations, Mr. and Mrs. Baek" nakangiti samin si doktora.

Eto na yata ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko.

---
Jersey's POV

Halos isang linggo pa lang kami ni Henz na magkalayo sa isa't isa pero feeling ko hirap na hirap na ko. Pero bakit naman ako magrereklamo di ba?  Ako yung may gusto na long distance relationship.

Naisip ko syang i-video call pero hindi sya sumagot. Online naman sya. Baka busy lang.

Lumipas ang mga araw at hindi nya sinasagot yung mga video call ko. Gusto ko na syang makita.

Binuksan ko yung facebook ko para pampalipas oras.

Nagulat ako nung tumambad sakin yung picture nila ni Olga. Hindi ko masasabing napilitan si Henz dahil nakangiti sya sa pictures nila. Hindi nga lang sya nakatingin ng deretso sa camera, medyo malayo yung tingin nya. Nasa bar ata sila.

Ok lang naman sakin na maglakwatsa si Henz don. Deserve din naman nyang mag-enjoy from time to time. Pero kasama si Olga? 

Hindi ko mapigilang hindi magselos dahil halos hindi na nagpaparamdam si Henz.

Kahit hindi nya sine-seen yung mga messages ko for the past few days, minessage ko sya.

Nag-save ako ng isang picture nila ni Olga at sinend ito sa kanya.

Saw this.

Agad syang nag-reply.

I've been clubbing. But trust me, hindi ko alam na nandyan din si Olga.

Anong klaseng palusot naman yung kumuha si Olga ng picture at nasa likod sya pero hindi sila magkasama?

Eh bakit ngayon mo lang naisipang mag-reply?

Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Nilalamon na ata ako ng galit ngayon.  Sino ba naman kasing hindi maba-badtrip?

Boo, I've been busy. Kaya lang ako nago-online ay dahil sa work.

Sineen ko lang sya. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sagutin yung mga messages nya dahil wala naman sense yung sinasabi nya. Alam kong niloloko nya lang ako.

Boo, sorry if nawawalan ako ng time sayo.

Boo

Boo mag-reply ka naman.

Hindi talaga kami magkasama ni Olga.

Hindi ko talaga alam na nandyan sya nung gabing yan.

Boo.

Hindi ko na binasa pa yung mga sumunod nyang messages.

---
Irish' POV

Tinignan ko yung mga ilaw na nakasabit. Ang ganda. Ramdam ko yung simoy ng hangin habang naglalakad ako. Sana pwede akong mag-stay dito.

Habang naglalakad ako ay may bumunggo sakin.

"Sorry" sabi pa nya habang humahagulgol.

Ano kayang nangyari sa kanya?

"I'm really sorry"

"Miss, it's fine"

Tumingin sya sakin habang umiiyak pa rin sya.

"Am I not pretty?"

Ramdam kong medyo nakainom sya. Hindi ko alam pero hinila nya ko at sumunod ako sa kanya kahit hindi ko man lang alam ang pangalan nya.

Dinala nya ko sa isang tahimik na lugar. Humina na yung pag-iyak nya pero alam kong medyo hirap pa rin syang huminga.

"Thank you for going here, with me"

Napaisip ako. Bakit nga ba ko sumama sa kanya in the first place?  Ni hindi ko sya kilala. Tsaka di ko naman sigurado ugali ng mga tao dito sa US. As if dito ako lumaki.

Nagsimula syang ikwento yung buhay nya. Hindi ko alam pero naramdaman kong interesado na ko sa buhay nya.

"I'm Olga, by the way"

---
Yun yung unang beses na nakilala ko sya. Nasa Pilipinas na ko pero naco-contact pa rin naman namin ang isa't isa.

Sa totoo lang, nakakaawa rin sya.

Bi My SideWhere stories live. Discover now