9-Tadhana

125 11 0
                                    

Napatingin sakin yung mag-asawang sa itsura pa lang ay mayaman.

Nag-bow ako sakanila.  Sign of respect.
Mas nagulat ako nung humarap yung anak nila.

Anong ginagawa nila dito? Or should I say 'anong ginagawa nya dito'?

"Shanelle, we were just talking about your marriage"

Ano kamo?  Tama ba yung rinig ko? Kanino naman nila ko balak ipakasal? Wag na wag mong sasabihin na ipapakasal nila ko dyan sa tukmol na yan.

"Marriage?  With whom?"

"With the heir of Gonzales family"

I don't like the sound of this.

"And that is...?" I asked.

"Me" ngumiti pa sya sakin. Oh God. Are they even serious.

"No!" napasigaw ako na ikinagulat ng parents nya. Linapitan naman ako ni mommy at hinila papalayo.

"Shanelle Jung.  When will you stop being like this?"

"Mom! I'm old enough!"

"For once, Shanelle,  behave properly"

"Properly?  When will you even stop treating me like this? Eh ni hindi na nga kayo umuuwi dito.  And of all people,  that?!  Jacob?!  Are you guys out of your mind?"

"Shanelle,  your dad and I did what we can for you. We don't have a choice so we decided na ipakasal ka kay Jacob"

"Why Jacob of all people,  still!"

"You know that they're the only ones who could help us. Plus,  we know that you and Jacob are in good terms.  He seems to be interested in you too"

"Mom! That was before!"

Agad akong nagdabog papunta sa may swimming pool. Hindi ko alam kung anong problema na naman ang dadalin ng mga magulang ko.  Hindi naman nila ako naaalagaan ng maayos. Ni halos hindi na sila umuuwi. Tapos ngayong nandito sila ay gaganituhin nila yung buhay ko?  Wala na silang nagawa ng maayos.

Jacob's POV

"Sorry for that Mr. and Mrs. Gonzales. Shanelle is just,  simply stubborn" paliwanag ng tatay nya. Alam ko namang galit sakin si Shanelle ngayon at hindi nya matatanggap na arranged na kami.

Agad na bumalik ang mama ni Shan kung nasaan kaming lahat ngayon.

"I excuse my daughter for what she did"
Inexcuse ko ang sarili ko at pinuntahan si Shan sa may swimming pool. Alam ko namang dun sya pupuntahan eh.  Saan pa ba sya pupunta eh nasa labas pa naman yung sasakyan nya.

"Shan" sabi ko pa bago ako umupo sa tabi nya. Nakatingin lang sya sa swimming pool.

Agad syang tumayo at naglakad paalis pero hinila ko sya para bumalik sya.

"Ano bang gusto mo? Gusto kong mapag-isa pwede ba?"

"Shan,  I'm sorry" sabi ko pa sabay yakap sakanya.

Alam kong nagulat sya pero hindi sya bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya. Na-miss ko to. Mahirap mang aminin ay ginusto ko na talaga sya.

Tinulak nya na ko palayo. Ngayon medyo awkward na kami. Hindi na sya umalis sa kung nasan kami ngayon pero halatang inis sya sakin.

"Jacob, ginusto mo ba to? Na ikasal tayo?  Niloko mo lang ako nung una di ba?"

"Oo pero,  minahal na talaga kita. Natakot na kong iwan mo ko. Yun na rin siguro ang dahilan kaya ako pumayag na ikasal tayo"

Shanelle's POV

Matagal pa ata silang mag-uusap. Hindi ko alam kung bakit hindi na ko masyadong galit sa ugok na to pero napag-isipan naming mag spoken word poetry whatever dito sa may pool. Yung legit na.  Yung mahahaba talaga.

"Mauuna na ko.  Nag-champion ka naman kanina so mamaya ka na"

Nagsimula na sya at nakinig lang ako.

"Para to sa babaeng mahal ko, alam mo naman kung sino sya di ba?" ngumiti lang sya sakin.

(Play I'm OK by Eric Nam)

"Mahal ko, oh aking prinsesa. Oo, ako'y isang prinsipe, prinsipe na handang magsilbi para sa ikabubuti mo. Masyado na ata akong naging makasarili at wala na kong paki sa nararamdaman ng iba. Naaalala ko pa nung pinapatawa mo ko. Nung sabay tayong kumakain. Nung mga oras na magkasama tayo. Aaminin ko,  lahat yun ay gusto ko pang maranasan.  Pero huli na nga siguro ang lahat.  Ngayon ko lang naisip na,  na siguro nga hindi mo na ko kayang pagbigyan pa. Yung mga ngiting naiwan mo sa aking utak. Yung mga mata mong nakakalunod titigan. Ikaw na nga ata ang nakapagpa-bago sa akin. Sa akin, na walang ginawa kung hindi paglaruan ang puso ng bawat babae na aking nakilala. Dadating at dadating nga pala talaga ang oras na lahat ng ginawa ko ay babalik sakin. Na lahat ng sakit na naiparanas ko sa iba ay mararamdaman ko rin. Wala kang katumbas oh mahal ko. Handa akong ibigay ang lahat sa iyo para balikan mo ko.  Pero wala na talagang tayo. Wala na ring tyansa pa na maging tayo, oo,  alam ko. Alam kong magkamali ako at wala nang magbabago. Nasaktan ka, gayundin ako. Magagawa mo pa ba kong balikan? Alam ko ang sagot at hindi na ko aasa pa. Ika'y papalayain na aking prinsesa na ikinulong at nasaktan. Hindi man makakasama ay hinding-hindi makakalimutan ang mga oras na tayo'y nagsama.  Nung mga oras na tayo pa. Nung mga panahong pinatunayan mo sakin na hindi lang basta laro ang pag-ibig. Salamat,  na naging parte ka ng buhay ko"

Natouch ba ko?  Oo,  may halong pagkahilo pa. Ibig sabihin lang ba ay gusto pa nya ko? Ugok sya. Hindi ko na kayang magpauto ulit.

"Anong title nyan?"

"Oo nga no...uhhmmm ano na lang...'Laro ng Tadhana'"

"Angas mo no?"

Tumawa lang sya.

Nag-ready na ko nung akin.

"Title uhhmm 'Salamat'" ngumiti lang sya pagkasabi ko nun.

"Mahal, salamat sa lahat ng alaala. Teka,  naaalala mo pa ba ang lahat? Sana oo. Gayunpaman, salamat. Salamat dahil tinuruan mo ko.  Tinuruan mo kong wag nang magpakatanga pa. Tinuruan mo ko na matuto sa sarili kong pagkakamali. Salamat dahil naranasan ko ang mga hindi ko pa naranasan at alam kong hindi ko mararanasan sa iba. Sa lahat lahat oo, salamat. Mahirap mang aminin pero, oo. Dapat nga talaga akong magpasalamat sa mga bagay na naibigay at naiparanas mo sakin. Dapat ba kong masiraan,  ngayong nalaman ko na sana,  sana ay hindi ako agad na sumuko.  Na sana,  hanggang ngayon ay kaya pa nating ayusin ang lahat.  Pero,  tama na rin siguro na nasaktan ako at kinalimutan ko na ang lahat. Alam kong,  kahit papano ay tumatak tayo sa isip at puso ng isa't isa. Kahit papano, ay naging espesyal tayo sa isa't isa. Mga problemang hinarap at haharapin,  malalagpasan pa rin natin to. Ang pinagkaiba lang, ay wala nang tayo. Haharapin na natin nang magkahiwalay. Nang nag-iisa. Salamat, mahal ko.  Mahal kong kaibigan"

"Eto na siguro ang maayos natin na closure?"

Tumango lang ako.

"Nga pala, Shan, wala pa rin tayong magagawa sa marriage"

Eto na naman.  Alam kong may nagugustuhan na ko at alam kong hindi na ulit magiging kami. Ayoko na talaga.

"After graduate ay paniguradong ipapakasal na nila tayo sa isa't isa"

"Marami pa namang mangyayari.  Alam nating pareho na hindi natin kayang kalabanin ang gusto nang parents natin kaya pabayaan na lang natin na tadhana ang gumawa ng paraan"

"Tadhana...yang letseng tadhana" bulong pa nya.




---
L. Park

Guys, you do know your support means a lot to me right? 😢 show your support by following me or just vote every chap and or drop comments 😉 I literally will have inspiration to write especially if you let me know that you're giving your support ❤ Love ya~

Bi My SideWhere stories live. Discover now