20-Surprise

81 9 0
                                    

Napagdesisyunan namin ni Justin na susunduin nya ko sa bahay.

Hindi naman ako naghintay ng matagal at nasa harap na agad ng bahay namin yung kotse nya.

Sumakay na ko agad.

"San tayo?"

"Sa building namin"

"Nyo? Condo nyo?"

"Yup"

Na-weirdohan na ko agad nung sinabi nyang dun lang kami pupunta. Ano namang exciting ang meron sa condo nila?  Bukod sa pag-aari nila yung buong building,  wala na atang meron pa.

Nag-park na sya at may kinuha sya sa likod ng kotse nya.

Mga balloons at kung ano-ano pa.

Nagulat ako nung sa rooftop kami papunta.

"Hoy!  Sa rooftop lang talaga tayo?"

"Oo. Tutulungan mo kong maghanda"

"Ng?"

Hindi ko napansin na parang ang bilis naming makarating sa rooftop.

Namangha ako sa itsura ng rooftop nila.
May swimming pool at walang nagsi-swimming kaya mas ok.

Lumapit ako sa may pool pero hinawakan ni Justin yung likod ng damit ko.

"Di ka lalangoy dyan. May gagawin pa tayo"

Inabot nya sakin yung plastic na punong-puno ng pastel colored na balloons.

"Palobohin mo yan. Lahat ah"

"Ano ko?  Utusan?"

"Pumayag ka di ba?"

Dapat si Gess na lang pinasama ko dito eh.

"Para kanino ba to?"

"Kay Gess" sabi pa nya sabay ngiti ng bahagya. Nahiya naman ako sa effort nya.

Pero kung para kay Gess to. Bakit pa nya yinaya si Gess nung una?

"Yinaya ko si Gess dahil alam kong busy sya at hindi nya ko masasamahan. Inunahan na kita. Mukang itatanong mo rin naman eh"

Naiwan akong nakatayo na hawak yung mga lobo. Ano ba namang magagawa ko di ba?

Binuksan ko na yung pack nung balloon at naghanap ako ng pang-bomba dun sa mga gamit na kinuha nya galing sa kotse nya.

Kinuha ko na yung pang-bomba at nakita ko naman sya na nakaupo lang sa isang upuan at hinahanginan nya yung mga letter balloons.

Tokwa naman yung effort nitong lalaking to.

Umupo lang ako sa sahig at narealize kong mainit sa pwet at mali yung ginawa ko pero tinamad na kong tumayo kaya pinanindigan ko na rin lang.

Sinubukan kong palobohin yung isang lobo at hirap na hirap na agad ako.

"Justin!!!  Anong gagawin ko dito?!" sigaw ko pa na halos mawalan na ko ng boses. Mukang di nya ko naririnig eh.

"Bato mo sa pool"

Sinunod ko sya at binato ko nga sa pool.
Dun naman ako kinabahan. Ibig sabihin ba nun ay gusto nyang punuin yang pool na yan. Tokwa eh ang laki-laki nyan.

Pagkatapos ng halos isang oras ay nandito pa rin ako. Umalis si Justin ng sandali at sinabi nyang ibe-bake na nya yung cupcakes. Kailan pa sya natutong gumawa ng cupcakes? Hindi ko talaga alam kung bakit ako pumayag na magpalobo ng balloons dito eh.

Tumingin-tingin ako sa paligid at maganda-ganda na nga ang itsura nung nagawa nya. Yung pinagawa lang naman kasi sakin ay yung para sa pool.

Nasabit nya na yung mga letter balloons at nakapaglatag na sya ng pahabang table at isa pang mesa na mukang dun sila kakain mamaya. Nagsabit pa sya ng mga maliliit na lanterns na parang puro pastel din lang ang kulay.

Bi My SideWhere stories live. Discover now