11-Savior

106 10 0
                                    

Jersey's POV

Pinapunta ako ni Irish sa may field. Manlilibre daw sya. Malay ko kung ano yung okasyon pero manlilibre daw sya eh. Nakita ko na sila ni Shanelle. Nag-enjoy siguro sila sa book signing na pinuntahan nila.

Habang papalapit ako ay narinig ko yung pinag-uusapan nila.

"Gusto ko si Jersey" hindi ako makalakad nung narinig ko yun. Nanghina ako. Hindi ako makagalaw o kahit ano.

Tama ba yung narinig ko?

"Ummm Shanelle,  are you..?" tanong naman ni Irish.

"I like her. Di kita niloloko"

Flashback

"Tombs, posible bang magkagusto ang isang tao na kaparehas nya ng gender?"

"Bakla or tomboy sya I guess?"

"Pero kung both genders ay attracted?"

"Probably bisexual. Wait-- why are you even asking me these?"

End of flashback

I knew something was off. Everything is not going the right way. I wanted her to get over Jacob,  to move on. Pero hindi sa paraang to. Sa lahat pa ng tao?  Ako?  Anong nangyari kay Shanelle.

"Shanelle,  hindi totoo yan"

Agad silang nagulat ni Irish nung nagsalita ako. Napatingin si Irish kay Shanelle tapos bumalik ang tingin nya sakin.

"Jersey. I--" tinalikuran ko sila. Naglakad ako papalayo. Hindi ko alam kung ano ba talaga dapat ang maramdaman ko. The fact na minahal ko si Shanelle bilang kapatid, kaibigan,  hindi ko maisip na magkakagusto sya sakin.

"Jersey!  Wait!" tumigil ako sandali pero nakatalikod pa rin ako.

Nahawakan nya yung braso ko. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.

Niyakap nya ko.

"Jersey, hindi ko to ginusto"

Tinulak ko sya. Bakit ko to nararamdaman?  Nandidiri ako sakanya. The fact na narinig ko na gusto nya ko,  masakit na yun sakin. Pero half of me ay nakakaramdam ng pandidiri.

Shanelle's POV

May trip kami. Eto na ata ang school trip na mukang wala kaming gagawin. Usually sa bus ay katabi ko si Jersey.  Pero ngayon,  hindi ko sya katabi. Ilang linggo na nya kong iniiwasan. Ni bati ay hindi nya magawa.

Nakaupo na ko sa bus at nakatingin lang ako sa bintana. Nakinig lang ako sa music na nasa phone ko habang wala naman akong kausap.

Dumating si Jacob,  mukang may balak sya na tumabi sakin pero nung paupo na sya ay nakita kong tumakbo si Irish at umupo agad.

"Hi beks!" hingal na sabi ni Irish. Halatang inunahan nya si Jacob.

Napilitan namang umupo sa likod ko si Jacob.

Naging matagal ang byahe. Buong byahe ay halos tulog ako. Pag gising naman ako ay parang aso't pusa lang si Jacob at Irish. Si Jersey? Ayun, hanggang ngayon ay wala pa rin atang balak na kausapin ako.

---
Nung nakadating na kami ay sinabi na samin yung room assignments.

Tatlong tao kada room. As expected, ka-room ko si Jersey pati na rin si Gess, at kung mamalasin nga si Irish ay ka-room nya si Jacob, mukang maiipit pa sa gulo nila si Justin.

---
Still can't call this day a day. Nothing was really happening. Naisipan kong isuot na lang yung makapal kong salamin kesa isuot yung contacts ko.

Nasa may lake kami ngayon. Ang gandang pagmasdan nung mga puno at lahat lahat.
Nakita ko naman na malapit lang si Jersey. Nakatitig lang sya ngayon sa lake. Ayoko syang lapitan dahil sigurado akong itataboy nya lang ako.

Nakita ko naman yung ibang classmates namin na balak syang itulak sa may lake. Since when pa sya nabu-bully? Anong nangyari kay Jersey?

Sinubukan ko syang tawagin pero parang wala lang syang narinig and the next thing I knew,  she was wet.

Lumapit ako sa kanya. Wala akong paki kung itataboy nya ko.

Agad kong hinila yung buhok nung tumulak sa kanya. Agad naman akong hinawakan nung mga kaibigan nya sa magkabilang kamay pero hindi ako nagpaawat at lumaban ako.

Tinulak nila ako sa tubig. Narinig ko yung halakhak nila. Wala na kong halos makita dahil hindi ko na alam kung nasan yung salamin ko.

"Losers like you deserve to get bullied"

Usually pag ganito, si Jersey ang gagawa ng paraan para maipaglaban ako. Pero ngayon? Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig nya. Pinabayaan nya lang na basang-basa ako.

Nahirapan akong huminga pero pinilit kong huminga kahit hirap na hirap na ko.
Hindi ko na halos marinig ang lahat.

Naramdaman ko lang na may tumulong sakin.

Binuhat nya ko at naramdaman kong dinala nya ko somewhere.  Sadyang hindi ko lang makita dahil malabo na talaga ang paningin ko.

After some moment ay nakakahinga na ko ng maluwag ulit. Malabo pa rin ang paningin ko pero alam ko kung sino sya.

"Shanelle!  Are you ok?!" halata sa boses nyang alalang-alala sya.

Isinuot nya sakin yung salamin ko.

"Thank you,  Jacob"

Bi My SideWhere stories live. Discover now