15-Past

93 10 1
                                    

Gaya nga ng sinabi ni mama ay pumunta kami sa lamay ng tatay ko.

Nakita kong dalawang kabaong ang nandon.

Dun ko narealize na dalawa ang namatay.
Nakita ko yung pangalan at mag-asawa nga sila.

Nasa harap na ko ng kabaong ng tatay ko ngayon. Bakit kaya hindi ko magawang umiyak?  Alam kong napalitan na ng lungkot yung galit ko sakanya pero bakit hindi ko mailabas yung luha ko ngayon.

"Ma,  cr lang ako" excuse ko pa. Sa totoo lang ay nahihiya rin ako na pumunta dito. Alam ko namang hindi na kami ni mama ang pamilya ni papa. At sabay pa nga silang namatay ng bago nyang asawa.

Jacob's POV

Sa dami kong inaasikaso ay nahihirapan na rin ako. Mula sa insurance to properties ay kailangan kong asikasuhin ang lahat. Matagal na rin akong hindi pumapasok dahil sa mga inaasikaso ko. Alam na naman na ng school ang nangyari.

Nakita kong may babaeng nakatayo sa harap ng kabaong ni dad. Hindi ko sya kilala. Isa siguro sya sa business partners nila?  Marami naman din kasing pumupunta na hindi ko naman kilala. Sabi ng iba ay nanggaling na daw sila Shanelle dito. Sadyang di ko lang ata sila inabutan.

"Sorry for your loss" sabi sakin nung babae.

"I'm your father's classmate before" sabi nya pa na halatang medyo nag-aalanganin pa.

Hindi na ko nag-tagal dun at bumalik na ko sa office.

Hindi ko alam pero parang mas komportable na ko sa office kesa sa bahay namin. After all that have happened?

Sandaling drive lang naman bago makadating sa office kaya agad akong nakarating.

May kumatok at may ibabalita pala yung hinire ko na investigator.

"Sir, we may have a lead"

Gumaan ang loob ko nung sinabi nya yon.
"Based on our investigations and research, your dad had another family"

"Ano kamo?!"

"Nagkaron sila ng anak. Isa lang. More or less ay ka-age nyo lang po ang anak nila. Posible pong may kinalaman sila sa pagkamatay ng parents nyo"

May iniabot sya saking folder.

"Suspects?"

"Sir,  sinusubukan pa rin po naming hanapin--"

"Crap! Can't you guys do it any faster?"

"Sir I'm sorry"

"Am I not paying you enough?!" natahimik sya at hindi na ulit pa sinubukan pang magsalita.

"Get out of my office!  Be sure na may maiibibigay ka saking impormasyon sa susunod na babalik ka dito"

Lumabas na sya.

Tumayo ako at tumingin sa may bintana.

Tinitigan ko lang yung mga building.

Napaisip ako, eto dapat ang magiging office ko sa future. Napaaga nga lang siguro. Wala namang may gusto sa nangyari eh. Wala akong kapatid kaya sigurado akong sakin ipapamana ni dad ang kumpanya. Not until nalaman kong may kapatid ako.

Umupo ulit ako at napatingin ako sa folder na nasa harapan ko ngayon.

Sinilip ko yun. Binasa ko ang lahat ng impormasyon na nandon. I'm not that disappointed nung nabasa ko ang mga nakasulat don. It's just that hindi ko na na-control pa ang sarili ko. Nadala na rin siguro ako sa galit nung nalaman ko yung fact na hindi pa rin nila nalalaman kung sino ang pumatay sa parents ko.

Nagulat na lang rin ako nung nabasa ko na yung pangalan ng kabit ng tatay ko at nung kapatid ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Sya nga yun at wala ng iba pa.

"Jacob?"

Anong ginagawa nya dito?

(Play How Great is Your Love by SNSD)

"Shanelle?"

"Hey, what's up?" alam kong nagdadahan-dahan sya sa pagsasalita.

"Nothing's really up. Everything's actually down"

"Jacob, why don't you...ummm"

"Wanna drink with me?" pagyaya ko pa sakanya. Tutal ilang araw ko na ring gustong magpahinga sa mga nakaka-stress na bagay.

"Sure"

Shanelle's POV

Pumayag ako.  Wala namang masama di ba? Ex ko sya, wala na kaming connection pa sa kahit isa pero masama bang damayan ko sya. Siguro yung mga promise namin sa isa't isa na pag may problema ang isa samin ay dadamayan pa rin namin ang isa't isa kahit na ano pa ang mangyari.

Nung nag-iinuman na kami, dun ko narealize na mas malakas akong uminom kesa sakanya. Halos pareho lang kami ng dami ng nainom pero mas tipsy na sya.

For some weird reason ay nagsimula syang lumuha.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero tumabi ako sakanya at pinabayaan ko syang sumandal sa balikat ko.

"Shan, thank you for being here with me"

"Shan, don't leave me. You're the only one that's left to me"

Then and there I realized,  no matter how hard I tried to give him the love I've given him before. No matter how hard I tried to love him back,  wala na talaga. Mahirap na nga talagang ibalik pa ang dati.

Bi My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon