8-Bakit Ikaw Pa?

157 11 3
                                    

Shanelle's POV

Ngayon na ang pinakahihintay na araw ng lahat. Mamaya ay magkaka-party pa after nung spoken word poetry.

Bago mag-start ay nag-salita si Gess at Justin. Sila ang magiging host. Hindi ako pwede kasi kasali ako.

Umakyat naman yung unang magsa-salita.
"Ako nga po pala si --" di ko naintindihan yung pangalan nya dahil hyped masyado ang mga tao. Nagwawala silang lahat.

"Alam kong maraming ganito at hindi lang ako ang nakakaranas nito. Tatawagin ko ang entry na ito na 'Ano ba Tayo?'" natawa naman ako sa title nya. Imbis na imemorize yung akin, mas ginusto kong makinig.

Nagsimula na sya kaya tumahimik.

"Ano nga ba tayo? Biruan, tawanan, iyakan, lahat na ata nagawa na natin ng magkasama. Alam kong hindi lang tayo basta magkaibigan. Siguro nga ako lang ang nakakaisip non? Pero lahat ng problema mo, lahat ng mga oras na kinailangan mo ng karamay, ako yung laging nasa tabi mo. Nung mga oras na kinailangan ko ng tao na nasa tabi ko, ikaw ang nandyan. Pero ano nga ba tayo? O meron nga ba talagang tayo? Ako lang ata ang assumerong nag-iisip na merong tayo. Pero sana, simula pa lang, hindi mo na pinaramdam sakin na espesyal ako sayo. Hindi ko naman nararamdaman na ayaw mo sakin. Pero bakit hanggang ngayon ay wala pa ring tayo? Yung kahit ako, ay nalilito na kung ano ba talaga tayo. Masakit isiping walang 'tayo'. Pero mas masakit yung umasa sa wala. Lalo na kung inakala kong merong 'tayo' subalit wala pala at ako'y nagpakatanga lang" hindi naman sa epal ako ah.

Pero kung sa ganyan sya mag-sulat, di naman sya ganon kasama.

Nagsunuran na ang mga sumali. Nagulat na lang ako nung umakyat sya ng stage.

Naghiyawan ang mga tao. Panong hindi? Sa gwapo ba naman ni Jacob. Lolokohin ko pa ba ang sarili ko? Gwapo naman talaga sya.

"Ako si Jacob Gonzales. Nanloko. Nagmahal. Nasaktan. Higit sa lahat, naiwan na kong mag-isa"

"Jacob, I'm here for you!" sa boses pa lang ay alam kong bakla yung sumigaw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Jacob, I'm here for you!" sa boses pa lang ay alam kong bakla yung sumigaw. Tinuloy lang ni Jacob ang sasabihin nya.

"Naranasan nyo na bang magmahal? Eh yung, manakit? Ako, hindi ako kailan pa nagseryoso. Hindi ko talaga sya gusto. Pero nung wala na kami, tsaka ko naintindihan ang lahat. Tsaka ko lang napagtanto na ginusto ko na lang talaga sya. Tsaka ko lang gustong sabihin sa kanya na 'Ako Na Lang Ulit'. Nung mga oras na gagawin mo ang lahat para mapangiti ako. Yung mga sinasabi mo na nagpapangiti sakin, lahat yun wala na.  Wala na ang lahat!  Wala na ring tayo. Masyado na nga bang matagal? Bago ko pa nasabi na ika'y pinahalagahan. Kabaita'y inabuso't ngayo'y nasasaktan. Aking batid na ika'y puno ng katanungan. 'Ako nga ba ang nagkulang?' isa na yan sa iyong itatanong. Subalit mahal ko, ako. Ako ang totoong nagkulang. Nagkulang sa pag-intindi ng sariling nararamdaman. Maaari pa ba nating ibalik ang nakaraan? Alam kong ika'y nasaktan na at handa akong masaktan ngayon para sa iyo. Masyado na nga ba talaga akong nahuli?"

Bi My SideWhere stories live. Discover now