28-I Still Love Her

70 6 0
                                    

Shanelle's POV

Naghintay ako sa labas ng building. Araw araw na ko sinusundo ni Jacob kaya nasanay na kong maghintay sa kanya dito. 

Natanaw ko yung kotse nya at bumaba sya agad para sunduin ako. Pinagbuksan nya ko ng pintuan at sumakay na ko agad.

"Babe, how's work?" tanong nya. Araw araw nya kong tinatanong kung anong nangyari sa trabaho.

Sinagot ko yung tanong nya at binaling yung atensyon ko sa kalsada habang nagda-drive sya.

Napunta kami sa isang Chinese restaurant at kumain.

Nag-usap lang kami sa mga bagay-bagay pero napansin nya atang hindi ako masyadong maka-focus dahil pinaglaruan ko lang yung pagkain na nasa harapan ko ngayon.

"Babe, ang galing no?" napatingin naman ako sakanya nang nagtataka.

"Ha? Oo"

"Babe, is something wrong?" tanong nya habang bakas sa muka nyang nag-aalala sya.

"Simula nung kasal nila Gess parang nag-iba ka" hinawakan nya yung kamay ko.

Ngumiti lang ako sakanya. Hindi talaga ako makaisip ng sasabihin kaya gumawa na lang ako ng dahilan.

"Stressed lang siguro ako sa work" pagsisinungaling ko.

Nung natapos na kaming kumain ay dumeretso kami sa bahay.

Nag-usap sila Mom tungkol sa kasal. Hindi pa nama talaga nagpo-propose si Jacob pero excited na sila.

Gusto ko na ngang hiwalayan si Jacob, sa totoo lang. Hindi dahil sa niloko na naman nya ko. I have another reason.

Nakakapit sya sa isang lalaki habang pareho nilang kausap si Gess.

"Essie, congrats!" sabi  nung lalaki at niyakap nya si Gess.

"I really didn't know na ikaw yung pinsan ni Henz" sabi pa nya kay Gess.

Bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali. 

Boyfriend nya ba yun? Hindi ko alam pero kumirot yung puso ko nung inilagay nung lalaki yung braso nya sa bewang nya at hinila sya papalapit sa katawan nito.

Ang ganda nya. Walang nagbago. Na-miss ko yung ngiti nya, oo. Na-miss ko ang lahat. Na-miss ko sya. 

Nagulat ako nung napatitig sya sakin. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan bago sya umiwas ng tingin.

Na-miss ko nang sobra si Jersey. Yun lang yung naiisip ko ngayon.

Naramdaman ko naman biglang may kamay na dumausdos sa may bewang ko. Niyakap nya ko papalapit sa kanya.

"Jacob, kinailangan mo bang talagang ipakulong yung nanay ni Jersey?" 

Nagtigilan ang lahat sa sinabi ko. Nakita kong nagulat silang lahat sa pag-open up ko ng issue.

Walang sumagot sa tanong ko kaya dumeretso na lang ako sa kwarto ko.

"Dun lang ako sa kwarto ko" paalam ko pa.

Agad akong pumasok sa kwarto ko at sinara ang pinto. Humiga ako sa kama ko at nag-isip. Ano ba ang tamang gawin? Dapat ko na bang hiwalayan si Jacob? 

May kumatok sa kwarto ko, pinapasok ko sya at agad syang dumeretso sa loob. Umupo sya sa tabi ng kama ko.

"Shan, what's wrong?" tanong nya.

Hindi ko sya tinitigan sa mga mata nya kaya hinawakan nya ang baba ko at tinignan ako sa mata ko.

Hinila nya ang muka ko papalapit sa kanya at ang naramdaman ko na lang na magkadikit na yung mga labi namin.

Pumikit ako at dinamdam yung halik namin. Bawat segundo, pinaramdam nya sakin na mahal nya talaga ako. 

Hinalikan ko lang sya pabalik at yung isang kamay naman nya ay pumunta sa likod ko as support.

Hinila nya ko papalapit sakanya. Bumitaw sya sa halik namin at nanghina ako. Napasandal ako sa balikat nya.

"I want you, Shan" bulong nya pa sakin na nagpataas ng mga balahibo ko sa buong katawan ko.

Mahal ko si Jacob, kung pwede ay hindi ko sya hihiwalayan. Pero ayoko namang mahalin sya ng hindi buo. Nararamdaman ko pa ring mahal ko pa rin si Jersey. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang gawin ko.

---
L. Park

Mian guys, sobrang busy na ni otor T.T intindihin nyo si acqouh 😂 Love ya~

Bi My SideWhere stories live. Discover now