30-Positive

60 5 0
                                    

Jersey's POV

"Bakit ngayon nyo lang po sinabi?"

"Jersey, nak, hindi ko kasi alam paano ko sasabihin"

"Hindi nyo alam kung paano sasabihing nakakulong na si mama? Ganon po?"

Kinuha ko na yung bag ko at naglakad papalayo dun.

Dumeretso ako sa kotse ko at nag-drive papunta dun sa kulungan kung nasaan si mama.

Habang nagda-drive ako papunta don ay hindi ko alam kung anong unang sasabihin ko kay mama. Miss na miss ko na sya at sobrang tagal ko na syang hindi nakikita.

Sa sobrang lutang ko, sunod na alam ko, nasa harap ko na si mama. Niyakap nya ko at kusa na lang na tumulo yung mga luha ko.

"Nak, kumusta na?" sabi ni mama nung bumitaw sya sa yakap.

Ang dami naming napag-usapan ni mama. Pero hindi nag-tagal ay umalis na rin ako. 

Pinuntahan ko si Henz at pag-dating ko sa bahay ay nagsha-shower sya.

Nag-ayos ayos muna ako ng mga gamit ko at lumabas si Henz ng naka-towel lang.

"Oh, nandito ka na pala" sabi pa nya ng nakangiti.

"Anong nangyari? Umiyak ka ba?" dugtong pa nya at tumabi sya sakin.

Kinwento ko sa kanya ang nangyari.

Naiyak lang ako ulit habang kine-kwento ko sa kanya. Pinatahan nya ko at tuluyan na syang na-bihis.

"Boo, may balita nga pala ako" sobrang saya nya habang sinasabi nya yun.

"Boo, may trabaho na ko sa US" hindi ko alam pero nalungkot ako.

I'm aware na pumunta lang kami dito sa Pinas para um-attend sa kasal nila Gess pero hindi ko alam kung bakit parang nagulat ako na magta-trabaho na sya dun.

"Boo, akala ko magste-stay na tayo dito sa Pinas eh" deretso kong sabi. Yun naman talaga ang plans ko.

Nawala yung ngiti sa muka nya kanina.

"Boo" nag-aalala nyang sabi.

"Ok lang, boo. It's for us naman di ba?" Hindi ko alam pero parang gusto kong umiyak.

"Kailan yung flight mo?"

"Next week" mahina nya pang sabi.

"Pero pwede namang dun na tayo tumira eh" 

May point naman sya eh, pero bakit ayaw kong bumalik sa US?

"I'm fine with LDR, boo" hindi ko alam pero sadyang lumabas yun sa bibig ko.

Tumabi sya sakin at hinawakan ang muka ko. Umiwas ako ng tingin dahil baka maiyak na lang  talaga ako.

"Boo, do you want me to just stay here with you?"

"No. Wag mong isuko yung pangarap mo nang dahil lang sakin"

Hinawakan nya yung dalawang kamay ko.

"Dito ka lang. Magpapahangin lang ako" sabi ko bago ako tumayo.

Lumabas ako papuntang terrace. 

Bakit sunod-sunod yung mga nangyayari? Hindi ko na nga alam kung paano ako magre-react sa fact na nakakulong na si mama tapos ngayon malalaman kong sa US magta-trabaho si Henz.

Kakayanin ko nga ba talagang makipag-LDR kay Henz? 

Paano kung nakahanap sya ng mas maganda sakin? Mas sexy? Paano kung hindi pala kami para sa isa't isa?

Bi My SideWhere stories live. Discover now