CHAPTER 94

64.2K 1.1K 645
                                    

Please listen to SCARED TO DEATH by KX Tandingan while reading this chapter.  Thank you.

CHAPTER 94

DANIEL’S POV

“Daniel, Kathryn was sick” nanginginig na sabi ni Althea sa akin bago kami sumakay ng eroplano papuntang Palawan.

“Sick???”

“She – she is dying” sabi niya at patuloy na tumulo na ang luha niya.

Parang sinakluban ako ng langit at lupa. Parang tumigil yung mundo ko nung marinig ko ang mga salitang yon. Gusto kong sumigaw, magwala, umiyak pero parang nakabara ang mga salitang yon sa daluyan ng luhang dapat kanina pa tumutulo pero wala.

“Are you serious??”

“Pregnancy Endometrial carcinoma” hindi ko maintindihan ang isang medical terms.

“What?”

“Yung pagbubuntis niya delikado. Not just for the baby’s life but mostly sa kanya. May tumor na umaappear sa kaliwa niyang uterus while yung baby nasa kabila naman. Habang lumalaki si Baby, lumalaki at lumalala yung tumor. The baby is safe kahit may tumor pero danger ito sa buhay ng mommy..” sabi niya.

“What about operation?”

“Yes it is possible we need to take the baby out of the mother’s womb…kulang sa buwan, the baby can die at kailangan na rin alisin ang matres ng mother. So it means na she can’t bear child anymore”

“Paghinayaan?”

“The mother will suffer. The tumor will become cancer”

“And she decided to keep the baby?”

Dahan dahan siyang tumango.

“Cancer?” nangingig ang boses ko.

Tumango siyang ulit.

I know it! Alam kong yon ang gagawin niya. Nakuyom ko ang mga kamay ko. How stupid Kathryn!!! Nagagalit ako sa kanya, hindi dahil sa kagustuhan niyang magkaanak kami pero dahil she’s deciding alone.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon