Janice???

594 9 3
                                    

Pagroroving ang pinakafavorite kong trabaho sa resort.

Wala lang. Nakakarelax kasi eh. Habang nakasakay ako sa Vespa ko. Feel na feel ko ang pagtama ng hangin sa mukha ko, sa katawan ko, and it is really refreshing. Enjoy rin ako sa panonood sa view - sa mga batang naglalaro sa tubig, sa mga nakahiga sa buhanginan at nag susun bathing at sa mga namamasyal lang sa may dalampasigan.

Gawa narin pala ang pinakabagong facility ng Ninong sa resort. Ang frisbee area at ang volleyball court. Ilang beses pa akong nagpaikot-ikot sa pagroroving sa tabing dagat when my radio buzzed.

"Janine, pakicheck mo nga yung mga naglalaro sa frisbee area, hindi kasi sila marunong mag score eh, you have to be there! Over!" radio ni Nathan sa akin.

"Roger!" sagot ko sa kanya. At nagtungo na ako papuntang frisbee area.

Located ang frisbee area at volleyball court sa may dead end ng resort. Unang mararating ang frisbee area kaysa sa volleyball court.

Marami pala talagang naglalaro ng frisbee, yun nga lang wala silang scorer. Bumaba na ako sa Vespa at tinungo ang mga naglalaro. Kinuha ko ang radio at pinaalam kay Nathan ang pagresponde ko doon.

"Nathan, nandito na ako sa frisbee area, over."

"Roger! Over and out" Nathan responded. Si Nathan ang ginawa ni Ninong na officer-in-charge this summer, since yun nga busy ako sa recording at sa pagcocompose ng mga new songs para sa upcoming album ko.

Lumapit agad ako sa mga naglalaro, my back on the volleyball court. Agad kong nilapitan nag mga naglalaro ng frisbee. A group of 14-15 year olds, magbabarkada siguro. Namukhaan ko nga ang dalawa eh, Nathe's sister and Jen's brother.

Napagkasunduan naming hanggang round 3 ang magiging laro nila. The first one to reach 15 points wins the round. The third round becomes the tie breaker. 

Napaka enjoy naman talaga ng larong frisbee, halos isang oras na akong nakababad sa ilalim ng araw when their friend arrived. Sa wakas! I'm free of my scorer job! After kong naturuan kung paano mag score ang friend nilang bagong dating, iniwan ko na sila.

Lumakad na ako patungo sa Vespa ko. When I suddenly thought of a lyric for my song. I immediately took out the notepad na nakalagay lang sa loob ng bulsa ko. I always carry it around, alam niyo na minsan kasi may naiisip akong lyrics na feeling ko magandang isali sa mga songs ko. Ewan ko, wala kasi akong certain inspiration eh, kaya yun, pasulpot-sulpot lang ideas ko, just right now. Better write it down, before I forget it.

Umupo na muna ako sa ilalim ng puno ng mangga that is situated in front of the volleyball court, and began to write. Okay palang umupo dito. Ngayon palang ako napadpad sa bahaging ito ng resort. Bago kasi eh, and I got really busy.

Concentrate ako sa pagsusulat when my radio buzzed.

"Janine, pakitingnan nga yung mga naglalaro sa volleyball court. Over!" Nathan buzzed. I sighed. Buti nalang nasa icinity parin ako ng pagrerespondehan ko.

"Okay, I'm just nearby. Roger!"

"Mabuti naman. Janine, remember we just wish for your happiness. No more no less. Over!!"

"Huh? Ang drama mo Nathe! Save that for later. Ang sagwa mong pakinggan over the radio. You sound like an overrated radioserye! Roger!" natawa ako sa sinabi ni Nathan. Napansin ko kasi, lately parati siyang nagdadrama.

"Okay! Okay fine! Puntahan mo na ang mga nasa volleyball court! Over and out!" Yun lang, after Nathan said the last words, agad na akong naglakad patungo sa volleyball court. Ilang steps lang naman yun eh. It's just across the street.

Marami nga namang mga tao sa volleyball court. About 8 or 9. Hindi ko mabilang ng maigi nakatalikod kasi sila eh, and they were always moving, naglalaro ng volleyball. Wala naman yatang problema eh. Naglakad na ako papuntang court, when I noticed that my shoelace is untied. I stopped walking para i-tie yun. Then I stood up.

When I settled my sight sa court, narinig ko nalang ang mga sigaw ng mga taong nandun, and they were shouting at my direction.

"Umilaaag ka!!!"

"Watch out!!!"

"Oh my!!!"

"JAAAANNNIIINNNNEEEE!"

Then yun lang na feel ko nalang ang pagtama ng bola sa ulo ko. Ang malakas na pagtama ng bola sa ulo ko. I didn’t collapse right away. Para bang naramdaman ko pa ang sakit ng pagkakauntog ng bola sa ulo ko. Then I heard footsteps approaching. Then I collapsed, nawalan na ng lakas ang mga tuhod ko. I felt someone's arms catch me. Nagkachance pa akong makita ang mukhang yun. His face was familiar, but not really, yes nakilala ko agad siya!

"I'm really sorry Janice!" Janice na naman? Pagsasabihan ko pa sana siya about my name but I can't talk, tapos yun dumilim na ang paningin ko and I passed out.

A Summer to RememberWhere stories live. Discover now