He's the living proof that I can't have everything

702 8 7
                                    

Nagpapanic na ang lahat. Hindi na nila alam kung saan hahanapin si Daniel.

"Janine, may sinabi ba si Daniel sa yong aalis siya?" tanong ni Ninong sa akin sa harapan ng lahat. Sa tono ni ninong halatang nagsisimula na siyang mainis. Sino ba naman ang hindi, nadidisturb na ang operation ng resort dahil sa kadramahan ng mga tao dito eh.

"Ninong, wala po talaga." sa sinabi kong yun, Enrique smirked. Gago!

"I see, you may go now." sabi ni Ninong sa akin. Sa sinabi niyang yun, agad na akong lumabas at pumunta ng basement para kuning ang susi ng scooter ko. Magroroving nalang muna ako, at baka makita ko pa si Daniel kung saan man siya nagtatago.

Nasa basement rin pala si Nathan. Ahhh, siya pala ang nakatokang mag-ayos ng mga gamit sa basement ng resort. Pumunta agad ako sa wall kung saan nakasabit ang mga susi ng kwarto, mga service, mga cottage at ng kung anu-ano pa. Hindi ko makita ang susi ng scooter.

"Nathan, where are my keys?" lumingon si Nathan sa direction ko mula sa pagkakasubsob niya sa mga paperworks niyang nasa desk.

"Huh? Akala ko Janine nasa yo." sagot niya.

"Anong nasa akin? Kaya nga ako pumunta dito kasi magroroving na ako." sagot ko naman sa kanya.

"Bumaba kasi si Daniel dito kanina, sabi niya itotour mo daw siya for one last time gamit ang scooter, kaya hindi na ako nakapalag. Gamit niya siguro ngayon ang scooter." pagpapaliwanag ni Nathan. Gosh, wala talagang ka ideideya ang lalaking to na ginamit ni Daniel bilang run-away vehicle ang scooter ko. Saan naman kaya siya pupunta?

Sa seaside? Sabi naman ng mga tauhan ni Ninong walang Daniel na pakalat-kalat dun. Sa ecopark? Nagradio din si Mang Carding na sina Jen at Rhea lang ang kasama niya dun along with other guests, pero walang Daniel. Hmm. Saan naman kaya pumunta ang mokong na yun.

Ting! ALAM KO NA!

I think I know kung nasaan si Daniel ngayon. Aroganteng butiki. Ginamit niya pa talaga ang scooter.

"Nathan, pahiram nga ng susi ng Vespa ni Ninong." sabi ko kay Nathan.

"Janine! That's off limits! Mag bike ka nalang!" tinanggihan ako ni Nathan. Nilapitan ko siya and grabbed his collar.

"Vespa o suntok?" sineryoso ko talaga ang mukha ko. Everybody knows kung paano ako magalit. At kung paano nakukuha ko ang lahat ng gusto ko.

"Nakakatakot ka naman Janine. Basta wala akong alam ha pag nagtanong si mayor!" sabi niya sa akin sabay ayos sa nagusot niyang damit. Tumango nalang ako sa kanya.

Nakakatawa, lahat ng taong nakakakilala dito sa probinsya namin alam na wala akong gusto na hindi ko nakukuha. Actually, proud ako sa tuwing naiisip ko yan. What Janine wants, Janine gets. Pero ngayon hindi na. Kasi, may isa akong bagay na gustong-gusto ko na hindi ko makukuha, at yun ay si Daniel. He's the living proof that I can't have everything.

Kinuha ko ang susi ng Vespa. Pumunta na ako kung saan yun pinapark ni Ninong.

Sumakay na ako at pinaandar yun, and off I go. Pagkasakay ko palang, alam na alam ko na kung saan ang destinasyon ko.

20 minutes later… Nakarating na ako sa hiding place ko. Tama nga ako, sa labas ng bahay nakapark ang scooter.

I knew it. Bumaba na ako sa Vespa, at tinawagan si Ninong.

"Ninong, nandito ako sa studio ko I think I found Daniel! Relax na kayo diyan." sabi ko kay Ninong.

"Okay, I know you'll find him Janine. Makakapaghintay pa sila dito. Mag-usap muna kayo." sagot ni Ninong sa akin in a whisper. Siguro ingat na ingat siyang walang makarinig sa kanya.

"Ninong!" I complained.

"Janine. You need to have proper closure. Ayaw kong pagsisihan mo to sa huli." advice ni Ninong sa akin. Natahimik nalang ako. Magsisi sa huli?

"Just follow your heart, okay? And be sure na ibalik mo siya dito." habol ni Ninong. Then the line went dead.

Jeeez. Ano ba tong pinasukan ko!

Pumasok na ako sa bahay. Naamoy ko agad ang bango ng butter at itlog na piniprito. Pumunta na agad ako sa kusina. Then I found him. He was wearing my apron. Ang cute! Mamimiss ko tuloy siya lalo.

Umupo ako sa stool. Alam kong alam ni Daniel na nasa likod na niya ako, pero nagpatuloy parin siya sa pagluluto.

"Dagdagan mo! Kakain din ako! May aroganteng butiki kasing kumain ng mga tinapay ko kanina." sabi ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. Then smiled.

"Coming up! Wait ka lang diyan!" sabi niya sa akin.

10 minutes later may isang dosenang pandesal na may nakapalamang itlog sa harapan namin.

Nagsimula nang kumain si Daniel. Kumain na rin ako. This will be our last pandesal session together.

Nang maubos na namin ang pandesal…

"Naks! Mas masaraap pa yata ang ginawa mong to kaysa sa mga sandqich na ginawa ko ah." puri ko sa kanya. I'm trying to end everything with us in harmony.

"Oo naman. I learned from the best!" sabi niya sa akin. Smiling. At nag salute pa.

"Naks naman! Since tapos ka nang kumain, tara na balik na tayo sa resort!" Tumayo na ako at pinagpag ang mga bits ng pandesal na nalaglag sa damit ko habang kumakain ako kanina. Hindi tumayo si Daniel.

"Daniel. Narinig mo ba ako? Halikana. We're going back now." nag serious mode ako. Pero hindi parin kumikibo si Daniel. Umupo ako ulit. Tiningnan ko siya.

"Daniel… Please don't make this hard for me." sabi ko sa kanya. Iniwas ko na agad ang tingin ko.

"Janine. I don't want to go back with them." Daniel finally said. Tiningnan ko ulit siya.

"I see. Sige ako ang maghahatid sa yo sa Manila." I offered. Tumawa lang si Daniel. Yun bang tawang nakakaloko.

"Hindi yan ang ibig kong sabihin Janine. Alam kong alam mo what I mean." sabi ni Daniel sa akin, holding my gaze.

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon