This summer

611 11 5
                                    

April 1.

5 days na kaming nasa resort nina Jen, Rhea at Nathan. Summer na naman kasi eh.

Sabi ni Ninong mas dumami daw ang guests namin sa resort after Daniel went here. Siguro nga inerecommend nga ito ng manager at mama ni Daniel as a good tourist destination kaya ganun. May mga celebrities na rin kaming naging guest sa hotel sabi pa ni Mang Carding.

Grabeee. Ang bilis lang lumipas ng panahon. Last summer, naging guest namin si Daniel Padilla. Ako ang naging personal assistant niya. I fell in love with him, and he almost fell in love with me. I got my heart broken, but I reached my dreams too.

This summer, I’m not expecting anything. I'm working on my first solo album. Kaya lang wala akong inspiration eh. Pressured pa ako at baka hindi tangkilikin ng mga tao ang songs ko. Sa bagay, Daniel offered me na magkarron daw kami ng duet sa album ko. Plus, his manager also said na he'll help me market my songs para maging sound track ng mga teleserye ng ABS-CBN. Si Mr. C na nga rin ang manager ko eh. So far so good. Ang problema ko nalang ngayon ay mga new songs to be included sa album.

NP - How to Love by Clara C

"Hello?" sagot ko sa kabilang linya.

"Janine! May friend pala akong pupunta diyan! Paki-entertain nalang okay?" sabi ng nasa kabilang linya.

"Hoy aroganteng butiki! Sino nanaman tong friend mo ha? The last time you called me about something like this you match made me! Nakakahiya!" sabi ko kay Daniel.

"Janine! Friend namin siya. We're not trying to match make you! He just needs a place to stay! "Isusumbong ka namin kay mayor." ooops naka loud speaker pa yata ang phone ni Daniel at narinig ni Kath and sinagot ko.

"Oh, hehehe. Wala lang, akala ko kasi sinasabotage na naman ng butiking yan ang lovelife ko. Puh-lease lang." sabi ko kay Kath.

"No we're not. We're just trying to make good things happen to you." sabi ni Daniel. Tapos narinig ko ang mga mahinang tawa nila. Tss. Dati I'm so upset about what happened, but ngayon I have my dreams, and people who love me, plus mga bagong best friends who made my dreams more possible.

It's truly a summer to remember.

Pagkatapos ng phone conversation namin nila Daniel at Kath, bumalik na ako sapwesto ko sa front desk. Nadatnan ko sina Nathan at Jen, pati narin si Rhea na kasalukuyan ay kausap si Enrique sa phone. When they saw me coming they beamed at me. I smiled back at them too.

"Janine. Sabi ni mayor ikaw na daw mag roving ngayon. Gamitin mo nalang ang Vespa." sa sinabing yan ni Nathan he tossed me the key. Nasalo ko naman. Ako pa? Basta pagdating sa Vespa ni Ninong, ako na yata ang pinakagahaman. Hehehehe.

"OO na, oo na yan nga ang pinunta ko dito eh. Siyanga pala Rhea, tama na nga yang tawag-tawag kay Enrique, oras ng trabaho ngayon bawala ang personal calls." nag galit-galitan ako kay Rhea. Pero hindi ako nakatiis, hindi naman talaga kasi ako magaling na artista eh.

"CHE! Bawal ka jan! Ikaw talaga Janine. Maghanap ka na kasi ng love life para di ka na nakikialam ng lovelife ng may lovelife!" backfire ni Rhea sa akin, with her evil laugh.

Kaya nga ayaw ko ng mga conversation na ganito eh. Kasi palaging napupunta sa lovelife ko. Lumapit si Jen sa akin at inakbayan ako.

"Oo nga naman Janine. Grabee naman napaka-choosy mo kasi, bat hindi ka nalang mamili sa mga boys na nagkakarandapa sayo sa school?" tanong ni Jen sa akin habang lilingon-lingon kay Nathan at Rhea na ngayon ay nasa front desk parin.

"Teka, konti lang nga ang sinabi ko, ang dami niyo nang sinagot. Dehado yata ako dito. HMMMP!" sagot ko sa kanila, sabay pout ng lips ko.

"Wag na nating pagkaisahan si Janine. Jen, balikan mo na nga ako dito!" sabi ni Nathan. Bumalik naman agad si Jen sa kanya. Haaaay, ang sweet naman ng dalawa. It makes me feel more alone, kahit pa they always make me feel a palagi slang nanjan para sa akin. Nakakatuwa naman silang panoorin.

"OO nga. Mabuti pa si Nathan naiintindihan ako." sabi ko sa kanila. Tumawa lang sila.

"Sige magroroving na ako."

"Ay! Siyanga pala! Iprepare niyo nga yung executive suite may bisita si Daniel na dadating dito sa resort!" sa sinabi kong yun, nagtinginan ang tatlo.

"OK, don't tell me you'll get another heartbreak with this guest?" puna ni Nathan. Haaaaay si Nathan talaga ang daming theories.

"Hoy Nathe! Bisita sa resort! Ano ka ba!" sabi ko sa kanya. Natahimik nalang ang tatlo.

"OK Fine. Bisita na kung bisita. Sige irereserve ko na ang pinakamagandang suite natin dito sa resort for that guest!" Rhea smiled at me, then she tapped a few keys sa computer na nasa front desk, securing the room to be reserved.

"Thanks! Sige maiwan ko na kayo." paalam ko  sa kanila. 

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon