Panic mode

681 8 2
                                    

Pagpasok ko ng hotel, naabutan ko si Kath, ang manager at ang mama ni Daniel na nag aabang na para umalis sa lobby. Nandun din si Ninong.

Lumapit si Kath sa akin.

"Janine, this is it. Aalis na talaga kami." She hugged me. Hmmp! Hindi talaga ako mahilig sa mga hugs at kisses, magkaiba nga talaga kami ni Kath, pero it feels so good. Napakasincere naman kasing tao ni Kath eh.

"Uh, ingat kayo dun! And good luck sa movie niyo Kath!" sabi ko sa kanya. Tiyempo naman ang pagpasok ni Enrique mula sa veranda. Kumawala na ako sa pagkakayakap sa akin ni Kath.

"Enrique! Go get your things! We're leaving! May rehearsal pa kayo for ASAP!" sabi ng manager nila na ngayon ay busy ang mga daliri sa kakapindot sa blackberry niya. Hindi na nagsalita si Enrique at pumanhik na sa taas. After 10 minutes, bumaba na siya dala ang mga gamit niya.

Sheeeet. Ang sakit lang. Aalis na talaga sila. Parang hindi ko kayang makitang umalis si Daniel. Ganito din ang nagyari sa amin ni Enrique years ago. He have to go. Kahit pa alam kong we like each other, wala na akong nagawa para pigilan siya. And now, it's happening again.

Hindi parin bumababa si Daniel, siguro inaayos niya parin ang mga gamit niya. Mabuti nga yun eh, he's still not here. Mabuti pang umalis na ako at atupagin nalang ang resort para hindi ko siya makitang umalis.

"Ano ba, ang tagal naman ni DJ! Enrique tingnan mo nga sa taas. What's taking him so long!" pansin ng mama ni Daniel. Oo nga naman. Ang tagal na niya sa taas. Parang babae talaga. Naisip ko tuloy na tama ngang tinatawag ko siyang princess. Natawa ako sa naisip kong yun. HMMP! Jeez, hindi pa nga nakakaalis si Daniel namimiss ko na siya. Nakakabadtrip naman!

Aalis na sana si Enrique pero pinigilan siya ni Kath.

"Ako na!" sabi ni Kath, at yun pumunta na agad siya sa taas.

Oh well. Gusto ko mang ako ang pumunta kay Daniel to check on him, hindi ko na magagawa yun, nandito na si Kath eh. Kailangan ko nang magising sa panaginip ko.

"Ninong, magiinventory na po ako ng mga stocks natin sa pantry. Kailangan napo kasi nating mag grocery eh." sabi ko kay Ninong na busy sa pakikipag-usap sa manager nila Daniel.

"Okay Janine. You go." sabi niya, na agad namang bumalik sa pakikipag-usap sa manager.

Nasa exit na sana ako ng hotel eh, when I heard Kath panic.

"Tita, wala po si DJ sa taas!"

"Huh?"

"Saan siya nagpunta?"

"Deeeeeeeeeeeeeeee Jaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!"

Yun ang mga reaction ni Enrique, mama ni Daniel at ng manager.

Napahinto ako sa paglabas. Saan naman kaya nagpunta ang aroganteng butiking yon! Last minute na nga nagrerebelde pa! Psh!

Kinuha agad ng mama ni DJ ang cellphone niya at tinawagan ang nawawala niyang anak.

"Naka off ang phone niya. Ano bang nagyayari sa batang yun!" nagsimula nang uminit ang ulo ng mama ni Daniel.

"Karla, ano ba yang anak mo nag aattitude ha. Kung hindi lang yan sikat eh pinabayaan ko na yan!" reklamo ng manager.

"Hayaan niyo't ipapahanap ko s aga tauhan ko dito sa resort. I'm sure he's just here!" singit ni Ninong na ngayon ay niraradyohan na ang mga tauhan namin.

20 minutes later wala talaga silang nahanap na Daniel na kakalat-kalat sa resort. Nasaan naman kaya ang taong yun! And ano pa ang problema niya, sinusundo na nga siya ni Kath eh. Diba yun ang purpose niya for coming here, para mapansin siya ni Kath?

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon