Day 5.5 - A day with Daniel

920 13 3
                                    

"So saan mo gustong pumunta?" tanong ko kay Daniel. Tinitingnan ko lang siya sa side mirror. Hindi siya nagsasalita. Tumitingin-tingin lang siya sa paligid.

Malaki ang resort. Hindi ito yung ordinaryong resort na may hotel at pools. Isa itong resort sa gitna ng isang gubat, kaya ginawa nalang nina Ninong at Mang Carding ang lugar na isang nature park. Maraming ammenities ang resort, such as the 27-room hotel, an indoor and outdoor pool, the beach, and the nature park. A 5-hectare land houses all of it. Kaya nga may mga golf carts kami to cater the tourists and guests who want to tour. Para naman sa aming mga workers, may mga motorcycles kami, for roving.

"Hey, bingi ka ba?" tinanong ko ulit si Daniel. Ang guwapo niya. He's wearing a black shirt - his signature color. May scarf siya sa leeg, and he's also wearing his sunglasses. Grabe, I always dreamed for this day - ang makasama si Daniel. Ang sama lang kasi ng ugali niya. But guess what??? After all that happened, gusto ko parin siyang makasama ngayon. Psh! Lecheng feeling to!

"Ha?? AH. I heard you. I-tour mo nalang ako. Kahit saan." Tumatama ang hininga niya sa batok ko.

Ahh ganun pala ha.

So first, I brought him sa nature park.

"Hey, nandito na tayo. Baba ka na." bumaba naman agad si Daniel.

"Eto pala ang nature park ng resort. This is the favorite spot ng mga tourists na ayaw magbilad sa ilalim ng araw sa beach." wala. Wala paring reaction. Text lang siya ng text gamit ang blackberry niya. Tumigil ako sa paglalakad. Napatigil din siya.

"Ganda dito Janice." comment niya sa akin, without even looking at me.

"It's Janine. DUH!!!!" kbigla kong kinuha ang phone sa mga kamay niya.

"Hey, what the hell!!! SNATCHER ka ba?" galit na galit na naman siya sa akin.

"Hey hey ka diyan. I got mine too. Hindi ako snatcher." inilabas ko ang phone ko na kaparehong-kapareho ng phone ni daniel. Kahit casing at protector kaparehong kapareho. Agad agad kong pinasok ang mga phones sa sling bag ko.

"Sorry. Inistorbo mo ako sa trabaho ko. You ruined my morning routine. Hindi naman ako papayag na umaga ko lang ang masisira." sabi ko sa kanya, wearing the sweetest smile possible. At nagpacute pa talaga ako kay Daniel ha. SIRaan na to ng araw eh, sisirain ko na rin araw niya.

"You know what? YOU ARE SO IMPOSSIBLE!" yun lang sinabi ni Daniel, saka siya naglakad palayo sa akin. Hinabol ko naman siya.

"Hey!" tawag ko sa kanya.

"What?"

"Maglalakad ka lang? Di bagay sa yo! HAHA" I laughed at him.

Tumigil siya sa paglalakad.

"Wala kang PAKIALAM. I am Daniel John Ford Padilla. I can handle everything. With or without you." habang sinasabi niya to sa akin, kulang nalang yata duraan niya ako.

"Talaga? Daniel John Ford Padilla? Okay, magsimula ka nang maglakad, while I go an ride the motorcycle myself." sabi ko sa kanya. Tinalikuran ko na siya. When I heard a crowd of guests giggling.

"Hi Daniel!!! Puwedeng pa picture?" sabi nung red-haired girl. Tss.

"Sure!" sabi naman ni Daniel, flashing his television smile. PLASTIK!

FLASH!

"Thanks Daniel. I love you!" sabi ng kasama nung red-haired girl. Che! Ang chicheap ng taste. Si Daniel lang? Teka. Fan niya rin pala ako - NOON.

"Hey no probs! I love you too." HAHA! Charotero! I love you too daw o.

Umalis na ang mga fans niya, he called me.

"Janice!" lumingon naman ako. Ang tanga tanga ko talaga.

"Janine! BOBO!"

"Whatever! I told you. I can handle myself!"

Pagkasabi niya nun, agad na akong pumunta sa nakapark kong motor at pinaandar yun. Nilagpasan ko siya.

"Bye Daniel! See you around!" kinawayan ko nalang siya pagkalagpas ko sa kanya.

Sinadya kong bagalan ang takbo ko. Tumingin ako sa side mirror, pero wala na siya. Tumigil ako. And I saw him sitting underneath a tree, with a very tired and pissed expression on his face. Bumalik ako.

"Sakay na!" sabi ko without looking at him.

"OK, you won this time." sabi niya. Sabay sakay sa likod ng motor.

15 minutes later, nasa harapan na kami ng hotel. Hindi na siya umimik pa for the rest of our ride.

"We're here. Puwede ka nang bumaba." sabi ko sa kanya. 10 seconds. Hindi parin siya bumababa.

"May beach dito diba? Can we go there?" aba. Napaka polite naman. Puwede naman palang makiusap eh.

Inandar ko na ang motor and headed off to the beach.

"Wow. Ganda dito!!" sabi niya the instant we arrived. Tinigil ko na ang motor.

"So ano? OK ka na dito? I'll just pick you up after an hour okay?" tanong ko sa kanya. Hindi na ako bumaba, aalis rin naman ako agad eh.

"Don't leave me here." sabi ni Daniel, staring at me.

"Huh? Pakiulit nga ng sinabi mo?"

"Bingi ka ba? I hate repeating." sabi niya sa akin. Nainis na naman.

"Oh, ok." So nagstay nga ako. Tahimik lang kami. Nakaupo lang naman siya sa buhanginan eh, ako naman nasa tubig. Binabasa basa ko lang ang paa ko. Ang sarap kasi ng ganito eh. Hinubad ko na ang sapatos ko.

Napakaboring naman. Si Daniel, nakatingin lang siya sa malayo. I need to get him to talk to me.

"OUCH!!! Aray!!! HELP!!" nag-acting actingan nalang akong natusok ng kung anong bagay mula sa  tubig para mapansin ni Daniel. Lumapit naman siya.

"I can tell a good actress from a true one." Tss. Panira ng moment naman. He raised his glasses and looked at me.

"I'm not joking. Tingnan mo pa." I motioned him towards my "sore" foot. Kunwa-kunwari lang nga. I tried my best to act hurt, and sincere.

Yumuko siya. Actually hinawakan niya pa ang ankles ko. He twisted it.

"OUCH!!! G*go! Anong ginawa mo!" tinulak ko siya sa tubig, pero hindi rin ako nakapagbalance kaya pareho kaming nadapa sa tubig. Mababaw lang naman talaga yun, but the fact is I got wet! Nakakainis, wala pa naman akong dalang pamalit ngayon, sana may naiwan akong mga gamit na malinis sa room ko dito sa resort.

OMG! Teka, hindi lang pala ako ang basang-basa. Si Daniel din pala. Pero teka, bakit parang walang reaction? Nasaan nga ba siya? I turned around and found him lying, nasa tubig parin siya. WAIT! Why isn't he moving? Nilapitan ko siya kung saan palutang lutang siya sa tubig.

"Daniel?" tawag ko sa kanya. Uh-oh bakit walang sagot?

"Hey Daniel! Bangon ka na diyan! Iitim ka. Ayaw ng mga fans ng sunog na aroganteng butiki!" I laughed, but still, wala paring sagot from him. Kinurot ko siya sa braso. Pero wala parin talaga.

OMG! Napatay ko si Daniel!

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon