Endless Summer

673 11 5
                                    

A/N: 

Guys! Malapit napo talagang matapos and adventures ni Janine and friends. Sana popakusabaybayan niyo ang last chapters.

Pavote and comment na rin po! Thanks. :)

--------------------------

Dinilat ko ang mga mata ko, at nakita ko ang mga dahon ng mangga. They were dancing along the breeze of air.

"Janine!/ Girl!" si Rhea at si Jen. Tiningnan ko muna ang paligid before I set my sight on them. Nakahiga pala ako sa upuan kung saan ako nagsusulat kanina, under the mango tree. At si Jen at Rhea, nakavolleyball attire, pati narin si Nathan who is standing a few feet away from everybody else, kasalukuyan siyang may kausap sa radio niya. Nakavolleyball attire rin siya. SH*T! Sila ba yung nagvovolleyball kanina? And kung sila nga, what was their purpose of calling me to come here? Para pasalihin ako? Hindi naman ako naglalaro ng volleyball ah, any ball game for that matter.

Babangon na sana ako, when a strong and firm hand settled on my shoulders para pigilan ang pag bangon ko.

"Oops Janine, hindi ka pa pwedeng bumangon." kilala ko ang boses na yun. Bumangon parin ako to confirm my thought. And tama nga ako. Si Daniel in his volleyball outfit. Beside him si Kath na nakapang volleyball din.

"What a surprise!" yun nalang ang nasabi ko sa kanila. I'm happy na nandito sila, pero in times like this na bigla nalang silang sumusulpot, kinakabahan ako.

Umupo si Daniel sa tabi ko habang kamot-kamot ang ulo niya.

"Hoy may kuto ka ba? Umalis ka nga sa tabi ko at baka mahawa pa ako! Traitor!" sabi ko kay Daniel, pero hindi siya umalis.

"Wala akong kuto no! Ang tigas talaga ng ulo mo Janine! Humiga ka nga ulit. You need to rest! Nabunggo ka kaya sa ulo. Ang tanga kasi ng bola no?" Tinaas taas niya ang mga kilay niya while smiling widly, may gana pa siyang magpaka sarcastic. Natawa silang lahat,

Tumayo ako.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanila. Natahimik sila. Lumapit si Kath sa akin wearing her sweetest smile, she hugged me.

"Ikaw talaga Janine, can't you just be glad we're all here??? Happy birthday!" Kath kissed my cheek. Alangan namang mag suplada ako sa kanya?? Kath is too nice para magsuplada ako sa kanya.

Uh wait. Birthday? Ano na nga ba ang petsa ngayon? Super busy kasi ako, I lost track of time.

"HAPPY 19TH BIRTHDAY JANINE!!!" Yun, tulala parin ako, lost in my own world. Lumapit silang lahat at niyakap ako. Then I was shocked kasi, dumating sina Ninong, Mang Carding at Papa. Pati narin ang ibang empleyado ng resort.

"PAPA!" kumalas ako sa pagkakayakap nilang lahat at tumakbo patungo sa papa ko. Hinug naman niya ako agad.

"How's my little princess? Happy birthday to you. Napakabusy mo na anak, hindi mo na tuloy namalayan na birthday mo ngayon." sabi ni Papa sa akin.

Yeah, I really forgot about my birthday. Eh paano, wala din naman kasing mga nagpapaalala sa akin eh.

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon