Day 5 - Hey I'm driving okay???

928 13 7
                                    

Nag absent ako kahapon. Sinamahan kasi ako ni papa sa LTO. He gave me his old car. Second-hand pero well-maintained naman yun ni Papa. Tradition na kasi sa amin na pag mag seseventeen, bibigyan ng car. Nung ang kuya ko ang nag 17, he got a brand new car. When my ate turned 17, papa also bought her a new car. Ako?? Second-hand lang. But at least, convertible naman yung napunta sa akin.

Nang dumating ako sa resort riding in my new car, pinark ko yun agad sa harapan ng receiving area. Winelcome pa nga ako nina Rhea at Jam eh kasama din si Nathan, ang pinakamasugid kong manliligaw since birth.

"May bakante pa ba kayong executive suite??" When I removed my sunglasses, they all squeeled.

"WOW!!! May car ka na girl?? Suwerte mo naman." sabi ni Jam. May car nga second hand naman, mabuti pa nga siya eh, brand new ang naghihintay when she'll turn 18. HELLO! May Car store kaya sila.

"OO nga! Eh ako Bug lang ang binigay ni Dad!" inggit na inggit kuno si Rhea sa akin. Duhh.. Bug nga, limited edition naman. Hmmp.

"Ooops Nathan. Please lang wag ka nang magsalita. Mabuti pa, you park my car." kinindatan ko si Nathan and I tossed him the key. Binigay niya naman agad sa akin ang susi ng motor na ginagamit ko para mag roving everyday.

Nung nakababa na ako sa CAR ko. Hehehe. Car ko talaga no?? Nakipagtsismisan na agad ako sa mga kaibigan ko. Nakatalikod kaming tatlo sa main entrance. Inupdate nila ako about what happened yesterday. Hindi pala lumabas si Daniel entire day kahapon. Grabe. Vampire yata yun eh. Lumapit na ako sa motor ko, when it was my turn to ask.

"So, kumusta naman yung pinakamabait at approachable na alaga ko? Tumaba ba?" nagtawanan kaming tatlo. Kahit nakikita nilang suplado talaga si Daniel, grabe, fan na fan parin sila.

"Hindi, gwapo parin" sagot nilang dalawa, giggling.

Nakasakay na ako sa motor ko, pinanadar ko na yun. Si Rhea at Jen naman, akma nang pabalik sa mga trabaho nila when Daniel walked past them, at biglang sumakay sa likod ng motor ko.

"Just GO!" utos niya.

Napatingin ulit sina Rhea at Jen sa akin. They are teasing me. Their evil smiles painted on their faces.

"Sorry sir, but this is for authorized personnels only." that was my way of motioning him to get on his step.

"Costumers are always right." Kinuha niya ang helmet ko at sinuot yun sa ulo niya, sabay ayos sa pagkakaupo. Wala akong nagawa, kasi akma na niyang hahawakan ang manibela para siya ang magmaneho.

Saglit lang yun, but I can smell his after shave. I can smell his cologne. Grabe napakalight lang, pero ang bango-bango. His front touching my back. Grabe nakakapanindig-balahibo. When I remembered galit pala ako sa kanya.

"Hey, hey. I'm driving. OKAY? Stay away from the stirring wheel." I commanded. I heard him laugh softly. It was like music to my ears.

"Okay. Ipasyal mo ako dito." he said. His voice so cold.

"Okay." tiningnan ko sina Jen at Rhea. Piaandar ko ang motor and off we go.

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon