I hate goodbyes

701 9 5
                                    

Nakalabas na rin ako sa wakas. I need some air. Napagod ako sa mg nangyari sa akin for this day. At least alam kong I made the right move.

Nasa entrance lang ako ng property ko habang nakaupo sa Vespa ni Ninong. Kitang-kita ko ang paglabas ng mama ni Daniel, ni Enrique, ng manager nila, at ni Daniel at ni Kath, at ang paglakad nila papunta sa kanilang mga sasakyan.

Si Ninong naman ang huling lumabas. I was just 20 meters away from them, nasa ilalim ako ng puno ng mangga not so far from them. Shit! Dun ko kasi naipark ang Vespa eh. Lumapit si Ninong sa akin.

"Janine. I'm so proud of you." Ninong patted my shoulder. He smiled. A cheering smile.

"Yeah Ninong. Ang sakit lang." sabi ko kay Ninong while I'm still watching Daniel and Kath. From my point of view nakikita kong kinocomfort ni Kath si Daniel habang pinagsasabihan siya ng manager nila. Nakayuko lang si Daniel, pero tumatango siya everytime Kath is asking him something. Napasin siguro ni Ninong na nakatingin ako sa direction nila Daniel. He sighed.

"Hay naku Janine, ikaw na bata ka. Whatever your decision is susuportahan naman kita eh. Chase your happiness. Kung sa tingin mo sasaya ka sa kanya, go for it!" natawa ako sa sinabi ni Ninong.

"Ninong, ang tanong sasaya ba siya sa akin?" sagot ko kay Ninong. Hindi siya nakasagot. I don’t want him to get upset because of what happened.

"Marami pang iba Ninong! Hindi naman siya ganun kagwapo eh. Payat nga siya parang butiki. Ang sama pa ng ugali!" I joked. Kahit ganun si Daniel, I fell for him. Hindi naman talaga siya ganun kasama eh, I saw his good side. He is such a caring person, and sweet. Hindi nga lang halata.

Finally, Ninong smiled.

"That's our girl!" he patted my shoulder once again. Tapos he started walking towards his car na. Lumingon siya ulit sa akin.

"Janine! Ang Vespa ko! Ang dami nating service yan pa talaga ang napili mo!" Oops napansin pala ni Ninong! Jeez.

"Opo Ninong. I'll be heading back to the resort na." sabi ko sa kanya then sumakay na ako sa Vespa. Pinaandar ko na, but I don’t have the courage to move on. I fell in love again, kaya lang hindi paman naging kami, kailangan na naming mag part ways.

Tinitingnan ko parin sina Daniel. Kath is so sweet, she's always talking to Daniel, she's always touching him, she's just so sweet. Kath is everything that I'm not. Mas sasaya si Daniel sa kanya. Diba sila naman talaga sa simula? Nakisawsaw lang ako.

I'm so stupid. I'm so stupid for letting myself fall. Hindi naman talaga dapat na mangyari to eh. I need to runaway. Just one day. I need to get out of here. Hindi ko kayang makitang palayo si Daniel.

Bye Daniel!

On that thought hindi ko na hinintay na mauna pa silang makaalis sa akin. Pinaharurot ko na ang Vespa ni Ninong. Maputik at makitid ang daan, but I don’t care. Habang tumatakbo ang motor, nililipad naman ng hangin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak.

5 minutes palang akong tumatakbo, pero parang unti unti kong nararamdaman ang pagbuga ng Vespa ng maitim na usok! OH no! Hindi ako nakapagpagasolina kanina. EPIC FAIL! I hate Fridays!!!! Ang malas ko.

Bumaba ako sa Vespa at pinatabi yun. Feeling ko magtutulak na ako pabalik ng resort. Psh! Naubos pa naman load ko kanina.

Nagsimula na akong magtulak, when a car stopped by. Tiningnan ko kung sino ang nasa driver's seat - si Kath, sa passenger's seat si Daniel.

"Janine!" Bumaba si Kath. I can't look into her eyes. She hugged me nang nakalapit na siya sa akin.

"Janine. Halika. Pauwi na kami ng Manila, we can drop you to the resort!" sabi ni Kath sa akin.

"Thanks nalang Kath. You just go on. OK na ako dito." sabi ko sa kanya. Hinihintay kong magsalita si Daniel pero wala.

ANG TAHIMIK. THIS IS SO AWKWAAAAAARD.

"Sure ka? OK. Janine. Thank you so much. He told me na sinabi mo sa kanya that I love him too. Thanks talaga." niyakap ako ulit ni Kath, gusto ko nanamang umiyak.

"Kath, let's go." tawag ni Daniel sa kanya. Ganun nalang yun? Ganun nalang yun? Hindi nalang ba ako kakausapin? Bumalik na ang Daniel from Day 1. Tss. Yung Daniel na parang dumi lang ako sa paningin niya.

Kaya yun Kath kissed my cheek and off she went.

Umalis na nga sila. At dun na ako naiyak. Grabe. I never felt this sad before. Triple pa yata to sa naramdaman kong sakit with Enrique three years ago.

Tulo ng tulo ang luha ko, then, nashock ako bigla kasi nag U-turn ang kotse nila at tumigil sa harap ko. Bumaba si Daniel. Then he hugged me.

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon