Day 8 - Team JANIEL

803 6 2
                                    

"Hey! That's the second time you called me princess!" nagpout si Daniel. Sa bagay, pambabae nga naman talaga ang princess.

"Eh, pano! Mas babae ka pa kasi kung magdrama kaysa sa akin!" sabi ko sa kanya, smiling. Abot-tainga siguro ang ngiti ko kasi nahawa ko siya eh. Akala ko maooffend yun pala hindi. Haaaaaaay salamat naman.

Sa pagkakatingin ni Daniel ng ganun sa akin, gustung-gusto ko na talagang maniwala sa sinabi sa akin ni Rhea - that Daniel likes me, kaya lang napakaimposible talaga ng thought na yun.

Napaka AWKWARD lang. Sanay akong tinititigan - ni Nathan, ni Jeff at lahat ng guys na may gusto at ayaw sa akin sa school - but Daniel staring at me? GRABE. In my dreams, ngayon, reality na. This is Daniel. My idol. He seem so near, yet so far.

"Eherm. Sige na aroganteng butiki! I-akyat mo na yang mga dala mo!" sabi ko sa kanya. The more he stares at me, the more I feel uneasy. Pagkasabi ko nun. Daniel smiled at me again, at umakyat na siya.

10 minutes later…

Kausap ko sina Rhea at Jen. Nakatingin lang pala sila sa amin kasama ang lahat ng mga tauhan namin sa hotel na malapit sa vicinity ng eksena namin ni Daniel.

"Girl! Mas nakakakilig pa ang love team niyo ni Daniel kaysa kay Kathryn!" kilig na kilig si Rhea habang pilit na kinukuha sa akin ang kamay ko kung saan nandun ang relong isinuot ni Daniel sa akin.

"Hindi na ako KathNiel! Team JANIEL na ako!" sabi Ni Jen, habang tumatalon-talon at niyayakap ako. Para tuloy kaming mga palaka.

Team JANIEL? Teka lang may pangalan na agad ng love team? Nakakatuwa naman. Para namang kinakaribal ko si Kathryn nito. Nakakatawa. Haha. Nakakainis. Hmmmp. Kasi alam ko, few more days and the fun would be over. Aalis si Daniel dito. Uuwi na siya ng Manila, back to where he really is, and back in Kathryn's arms. Pagdating niya dun, he'll forget everything that happened here. Kakalimutan niya lang ako.

"Heh! Ang layo ko kaya kay Kath. Langit sila ni Daniel. Ako, lupa." sarkastiko kong sabi sa kanila. Lumungkot silang dalawa.

"Kaw naman girl. Just enjoy the moment, okay?" sabi ni Jen habang tinapik tapik ako sa balikat. Just enjoy the moment, yeah tama nga naman si Jen.

"Gayahin mo ako girl! Enjoy life without expectations!" Enjoy life without expectations. Pinisil ni Rhea ang ilong ko.

Palapit na sa amin si Daniel. Ang gwapo niya talaga. Hindi na tuloy ako makatingin ng diretso dahil sa pinagsasasabi ni Rhea at Jen.

"How's my girl?" Wow naman. My girl daw o, alangan namang boy diba? Pero my girl, ako, Daniel's girl? Naks naman.  Ang lakas ng tibok ng puso ko kasi his arms are on my shoulders - inakbayan niya ako. OMG lang.

Nagtinginan sina Rhea at Jen.

"Uyyyy… Grabe! Parang nanonood lang tayo ng live ah." Kumindat siya kay Jen, saka tumakbo na sila ng mabilis palayo sa amin.

"Mga loka-loka talaga yun." sabi ko kay Daniel. Inalis na niya ang pagkakaakbay sa akin, pero parang nakaakbay parin siya feeling ko. Grabe, feel na feel ko na talaga ang moment, nang napansin ko ang dala niya.

"Hey, bat may dala kang gitara?"

'Wala lang. Gusto kong tumugtog by the beach. Kaw na magdala!" Tss. Sa kanya, tapos ako nag magdadala? Teka lang. Tama PA niya nga pala ako dito.

Inabot niya sa akin ang gitara. Pero natigilan akong tanggapin yun mid-air. Pinilit niyang ibigay sa akin.

"TEKA! How will I drive?" tanong kokay Daniel nang biglang lumitaw si Nathan sa entrance ng hotel.

"Jan! Ang susi ng scooter mo!" hinagis sa akin ni Nathan ang susi ng motor na ginagamit ko, pero naunahan ako ni Daniel sa pagsalo.

"Hey, those are my keys! My resort. My gear. My keys." seryoso kong sabi kay Daniel, I handed him his guitar but he refused to take it. Nginitian niya lang ako.

Sumakay siya sa scooter, ako naman naiwang nakanganga. This is the first time that someone's driving for me.

Umandar na ang motor, nilingon niya ako.

"Tara na! Today, I'm incharge." first time na may magmamaneho para sa akin, si Daniel pa. Wala naman ako sa lugar para magdrama kaya sumakay nalang ako.

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon