24. Diroya

1.8K 61 0
                                    

Ameshire's POV

Bumukas ang lagusan. Halos ilang minuto narin kaming lumalangoy para lang mahanap ang dulo ng kwebang dinaanan namin.

Nasa isang kwarto kami. At nandun ang aking ama. Ang hari ng Sereia.
Nakahiga at mahina na ang katawan. Sobrang payat nya at halos mawalan na ng kulay ang buong katawan nya.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Ngayon ko na nga lang makikita ang tatay ko, sa ganito kalagayan pa!

"Sinong hangal ang gumawa nito?!" Hindi ko na mapigilang umiyak.

"D-DARKA?!" Sigaw ni Sarafin mula sa likuran ko.

At napatingin ako sa isang sirena na kulay dilaw ang buntot. May hawak syang isang bote na may kulay itim na likido.

Nabitawan nya iyon at nabasag sa maalikabok na sahig. Kumalat ang itim na likido at lahat ng madaan ng likidong iyon ay nawawalan ng buhay at namamatay.

Sarafin's POV

"IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT NG ITO?!" sigaw ko kay Darka.
"Itinuring kitang parang isang tunay na ina, kaibigan, kakampi. Ngunit bakit ginawa mo ito?"

Si Darka na tinuring na kanang kamay ng hari. Si Darka na inakala kong mabuti. Sya pala ang taksil sa kaharian ng Sereia.

Namuo ang kaba sa mukha nito ngunit bigla itong nagbago at napalitan ng galit.

"Sino ka ba?! Hindi kita kilala!" tanong nito sa akin. Hindi nya siguro ako makilala dahil sa aking anyo.

"Ameshire, ang kwintas!" Sigaw ko kay Ameshire.

"KWINTAS?! Ang kwintas! Bakit nasa iyo ang simbolo ng Sereia?!" At napatingin sya kay Ameshire. Sinubukan nyang kunin mula sa leeg ni Ameshire ang kwintas ngunit mabilis syang napigilan ni Silva at Waylen.

Mabilis na lumangoy si Ameshire patungo sa kanyang ama at isinuot dito ang kwintas.

"Mga kawal! MAY MGA DAYUHANG NAKAPASOK!" At sumigaw si Darka. Bumukas ang pinto at pumasok ang napaka-raming kawal.

Ngunit huli na sila dahil nagliwanag na ang nakakasilaw na puting ilaw mula sa kwintas. At pati ako ay napapikit din.

Nagsisigaw si Darka sa takot.

Maya-maya'y nawala ang liwanag.

"Ano ang nangyari?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko.

SereiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon