10. Open Secret

2.1K 73 0
                                    

Sereia

Simula ng umalis sa Sereia si Sarafin at Waylen, lalong lumala ang kalagayan ng hari. Sya ngayon ay nakaratay na sa kanyang kama at patuloy na nagpapagaling.

"Mahal na hari, ito na po ang iyong pagkain at gamot. Inumin nyo na raw ito sabi ng manggagamot." Wika ng sirenang si Darka na may kulay dilaw na buntot.

Isa sya sa mga pinagkakatiwalaang taga-silbi ng palasyo. May dala-dala syang pagkain ng pumasok sya sa silid ng hari.

Nanatiling tahimik si Haring Maranon. Nanghihina sya ng nanghihina. Sinubuan nya na lamang ito at pina-inom ng isang uri ng halamang gamot na mula sa dagat.

Nang matapos, sya ay tahimik na lumabas at tumungo sa silid-kainan upang linisin ang pinagkainan.

"Nabalitaan mo na ba?"

"Ang alin?"

"Na may nagtangkang maglagay ng lason sa pagkain ng hari nung isang araw?"

Nakita nya ang dalawang sirenang taga-silbi na nag-uusap sa gilid ng pasilyo. Naririnig nya ang mga pag-uusap nito.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?"

"Oo, at ang sabi nandito lang sya sa loob ng palasyo. Maaaring isa sa atin dito ay nagta-traydor sa mahal na hari."

Naiirita na si Darka kaya naman ay nagsalita na sya.

"Pupwede ba, mamaya na kayo dumakdak at gawin nyo nalamang ang mga trabaho ninyo? Kayo ay nandito sa palasyo upang pagsilbihan ang hari, hindi para mag-usap ng walang kakwenta-kwentang usapin." Mataray na wika ni Darka sa kanila. Sya rin ang pinaka-namumuno sa mga taga-silbi dito sa palasyo.

SereiaWhere stories live. Discover now