18. Meow

1.7K 59 0
                                    

Ameshire's POV

Water.

I NEED WATER.

Pakiramdam ko, nawalan ako ng ilang litrong tubig sa katawan ko. Parang may nakabara sa loob ng lalamunan ko.

Idinilat ko ang mga mata ko. Where on earth am I? Bakit hindi na pamilyar para sa akin 'tong lugar na ito?

Nagulat ako dahil apat na pares ng mata ang malapitang nakatitig sa akin.

Napaupo ako dahil sa sobrang gulat.

"M-Monrex? Mil? W-Waylen? S-Sarafin?" Paos na sabi ko.

"Kambal wag ka munang magsalita. Ano bang kailangan mo, sabihin mo lang."

"I-I need water. I'm parched." Saad ko.

Dali-daling kumuha ng tubig si Monrex at ibinigay ito sa akin.

Kaagad ko naman itong ininom.

"Ayos ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Waylen.

"Oo, ayos lang ako." At ngumiti ako. "Ano bang nangyari? Na-Nasaan ako?"

"Nandito tayo sa bahay ni Monrex, sa mismong kwarto nya. Sinabi ni Mil na hinimatay ka raw kanina kaya kaagad ka naming dinala dito." Sagot naman ni Sarafin.

"Bahay ni Monrex?" At tumingin ako kay Monrex. "Malapit lang ang bahay mo sa resort?"

"Oo eh," at tumawa sya. "Gusto mo pa ba ng tubig?" At inabutan nya ako ng isa pang baso.

Pero kinuha ko ang pitsel na hawak ni Mil at yun ang tinungga. Nang maubos ang laman nun, kaagad ko rin itong ibinalik sa kanya.

"Mukhang kailangan mo nang makabalik sa Sereia bago ang kabilugan ng buwan. Nagsisimula ng mangyari ang iba pang senyales. Ikaw ay magiging isang ganap na sirena sa mismong kabilugan ng buwan." Wika ni Waylen.

"Oo, alam ko. Minsan na rin itong nasabi sa akin ni Aslu." Tugon ko.

"Tutubuan ka ng mga hasang sa gilid ng iyong leeg at matutuklasan mo na ang iba mo pang natatagong abilidad." Dagdag ni Sarafin.

"Hasang?! Magiging... I-Isda na ba ako?" I said, shocked.

I heard Monrex and Waylen sniggered. I glared at them. Tumigil naman sila.

"Iyon ang tunay na hitsura ng isang Sereian kamahalan," wika ni Sarafin.

"Wag mo na akong tawagin kamahalan, hindi bagay sa akin." Nahihiyang sabi ko. "At saka, di ba ikaw ang mas nakaranas ng maharlikang pamumuhay kesa sa akin, kaya dapat ikaw ang dapat kong galangin." Dagdag ko.

SereiaWhere stories live. Discover now