21. Silva

1.6K 62 0
                                    

Sarafin's POV

Nasa ilalim na kami ng tubig. Wala paring malay si Ameshire kaya hawak-hawak ko sya.

Suminag ang napakaliwanag na sinag ng buwan sa ilalim ng tubig. Kasabay nito, ay nagliwanag ang katawan naming tatlo.

Isang nakakasilaw na liwanag.

Maya-maya ay naramdaman kong nagdidikit ng kusa ang mga binti ko. At maluwag na akong nakakahinga sa ilalim ng tubig.

Nawala ang nakalasilaw na liwanag. At malinaw ko ng nakita ang buong paligid.

Napatingin ako sa ibaba nang makita ko ang kulay kahel kong buntot na gumagalaw kasabay ang daloy ng tubig. Na-miss ko ang buntot ko.

Si Waylen ay bumalik din sa kanyang tunay na anyo. Kulay berdeng buntot. At si Ameshire naman ay ganun din, bumalik na ang kanyang kulay pulang buntot. Ngunit wala parin syang malay.

Hinawakan ko ang aking kwintas na kabibe.

"Dalhin mo kami sa Sereia ngayon din." Wika ko sabay pikit.

Umikot-ikot ang buong paligid at parang may humigop sa aming tatlo at dinala kami sa kung saan.

Pagdilat ko ng aking nga mata, nakita ko ang isang pamilyar na silid. Ito ang silid kung saan pinagbabawalan ang kahit na sino. Ang silid na mayroong disenyong pang-mortal at may malaking litrato ng pamilya ng mahal na hari.

Nakita ko si Waylen na bumabangon mula sa maalikabok na sahig.

"Nasaan tayo? Bakit tayo dito dinala ng kwintas?" Tanong ni Waylen sa akin.

"Hindi ko alam, maaaring may dahilan."

Bumangon ako at saka lumangoy.

Nagulat ako dahil biglang bumukas ang isang pader at pumasok ang isang sirenang may kulay lilang buntot. Sa tingin ko ay kasing-edad ko lamang sya.

"WAAAAAAAAAH!" sigaw ko ng makita ko sya.

"WAAAAAAAAAAAH!" sigaw din nya.

Nagulat sya ng makita nya kami kaya nawalan sya ng balanse at bumagsak sya kay Ameshire na walang malay sa sahig.

Dahil sa bigat nya, biglang dumilat ang mga mata ni Ameshire.

"Pasensya na! Pasensya na!" Natatarantang wika nung sirena at saka inalalayan si Ameshire.

"N-nasaan tayo?" Nahihilong wika ni Ameshire.

Mabuti nalang at bumalik ang dating kulay ng mukha nya.

"Nasa loob ka ng palasyo. Hindi mo ba alam?"

"Silva, ikaw pala iya." Bati ni Waylen sa kanya.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko.

SereiaWhere stories live. Discover now