7. Nami-miss

2K 70 2
                                    

Sarafin & Waylen

"Ang kati naman nitong damit na ito." Sambit ni Sarafin habang kinakamot ang bahagi ng kanyang braso.

"Shhh! Pwede ba sirena manahimik ka." Wika naman ni Waylen habang naglalakad sila patungo sa lobby ng isang resort.

"Eh ang kati-kati nga eh! Huhubarin ko nalang ito—"

"Oy! Oy! Wag Sarafin!" Pigil naman sa kanya ni Waylen. Muntik na nyang maihubad ang kanyang damit. Wala pa naman syang panloob.

Nakasuot ng varsity jacket at maong na pantalon si Sarafin, habang naka sando at naka-jersey shorts si Waylen. Ito ang mga nakita nilang damit doon sa sampayan ng isang kubo.

"Bakit ba tayo nandito?" Tanong naman ni Sarafin.

"Nakalimutan mo na bang dito tayo dinala ng mahal na hari? At ito rin mismo ang lumabas na imahe sa ipinakita ng kwintas." At napatingin sya sa pangalan ng resort.

Isla Del Pravda Beach Resort

Flashback

"Kabibeng kwintas na ipinagkaloob ng Haring Maranon, ipakita sa amin kung nasaan ang nawawalang simbolo ng Sereia,"

Pagkatapos nun ay lumabas ang mga usok mula sa kanilang mga kwintas. Gaya nga ng sinabi ng hari, biglang lumitaw ang isang imahe dito.

Lumabas ang imahe ng isang lugar na ang ngalan ay Isla Del Pravda Beach Resort. At biglang lumabas ang isang babae sa imahe. Sya ay may mahabang buhok ngunit malabo ang kanyang mukha. Ipinakita ang simbolo na nasa kanyang leeg. Isa itong kwintas na hugis bituin. Ito ang hinahanap nila. At sa isang iglap, nawala ang imahe.

End of flashback

Lumapit si Waylen sa counter at kinausap ang isang babae.

"Miss, magkano ang two weeks stay dito sa resort?" Tanong ni Waylen dito. Mabuti na lamang at alam nya ang kalakalan dito sa mundo ng mga tao.

"Twenty-five thousand po sir," tugon ng babae.

Inabutan ni Waylen ng pera ang babae. Mabuti na lamang at madali nilang naibenta ang mahigit 200 perlas na ibinigay ng hari at nakalikom sila ng mahigit kalahating milyong piso. Isinilid nila ito sa isang bagpack na binili ni Waylen sa isang tindahan malapit resort.

May isinulat ang babae sa isang papel. Nakatingin lang sa kanilang dalawa si Sarafin na tila ba naguguluhan.

"Ano po ang pangalan nyo sir?" Tanong ng babae sa kanya.

Sandaling natigilan si Waylen, kailangan nyang mag-isip ng iba pang pangalan bukod sa kanyang tunay na ngalan.

Napatingin sya sa malayo at nakakita ng isang damit na suot ng isang lalaki. Mabuti na lamang at marunong sya magbasa sa paraan ng mga mortal.

SereiaWhere stories live. Discover now