9. My past

2K 72 1
                                    

Ameshire's POV

Marahan kong idinilat ang aking mga mata. Teka? Bakit ang dilim? Stars sa langit? What the heck! Nakahiga ba ako?!

Wait, bakit pakiramdaman ko puro buhangin ang hinihigaan ko? Ang kati sa balat!

Napaupo ako bigla. Hindi nga ako nagkakamali, buhangin nga. At gabi na! Goodness! Nakatulog ako sa dalampasigan!

WAIT?

Bigla akong napahawak sa damit ko, sa mukha ko at sa buhok ko. They are NOT wet?

So it means? Nananaginip lang ako? Yung pawikan? Yung malaking alon? Yung dagat? WHAT THE FUDGE. I'm hallucinating things again.

I think I need to go now. Hinahanap na siguro ako nila Tiya Madet.

Tumayo ako mula sa buhanginan at saka pinagpag ang damit ko. Nakaramdam ako ng matinding pagkauhaw kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa rest house na tinutuluyan namin.

Pagkapasok ko doon sa salas, naabutan kong nanunuod ng TV sila Tiya Madet at Prisha.

"Where have you been young lady?" Bungad na tanong sa'kin ni Tiya Madet.

"Sa dalampasigan po, nakatulog po kasi ako. Sorry po," mahinang tugon ko.

"OH MY GOSH! HAVE YOU DYED YOUR HAIR?" gulantang na tanong ni Prisha sa'kin. Napatayo pa sya at saka ako nilapitan.

Dyed? Di naman ako magpakulay di ba?

"Wait? What?" Saka ko na ininspeksyon ang buhok ko.

OH. MY. GOD.

Bigla nalang itong nagkaroon ng highlights na kulay pula. PULA?!

"Are you sure na sa dalampasigan ka nanggaling?" Naningkit ang mga mata ni Tiya Madet.

"Opo, I assure you that. Seryoso po ako Tiya, wala akong dalang pera para mag-gala at pumunta sa kung saan. Hindi ko nga po kabisado ang lugar na ito. At isa pa, walang mga beauty salon na malapit dito." Tugon ko.

Tumayo sa upuan si Tiya Madet saka ako nilapitan.

"Kapag nalaman kong nagsisinungaling ka, humanda ka sa'kin. Hinding-hindi ka na makakatapak pa sa pamamahay ko kapag ginawa mo iyon. Understood?"

"O-opo," saka ako naglakad patungo sa kusina.

UHAW NA UHAW NA TALAGA AKO! Kumuha ako ng baso at isinalin ang malamig na tubig mula dito. At saka ko ito ininom. Naka-tatlong basong tubig ako nang isang lagukan lang.

Ganon ba talaga kalala ang pagkauhaw ko? This is really strange. Hindi naman ako matakaw sa tubig.

Kaagad akong umakyat sa kwarto ko, at tumungo sa banyo. Bawat kwarto dito ay may sariling banyo.

SereiaWhere stories live. Discover now