22. Pagpapalit anyo

1.8K 70 0
                                    

Ameshire's POV

"Ang galing naman nito, parang underwater cave lang ang peg." Wika ko habang sumasabay sa kanila sa paglangoy. Nasa loob kasi kami ng secret passage.

Nakaka-amaze naman dito. May mga ganito pala sa ilalim ng dagat?

"A-Anong 'anderwoterkeyb'?" Nagtatakang tanong ni Silva.

"Ah eh, ang ibig kong sabihin ay kweba. Hihihihihi," nahihiya kong tugon.

Oo nga pala, di normal sa kanila ang mga ganitong bagay. Ang shunga-shunga ko talaga. Aish!

"Ah... Ganun pala. Bakit kakaiba ang paraan ng pagsasalita mo?" Tanong ni Silva.

"Lumaki kasi sya sa mundo ng mga tao," paliwanag naman ni Waylen bago pa ako makapagsalita.

"Talaga?!" Sigaw ni Silva sa pagkagulat. Halatang manghang-mangha sya sa narinig nya.

"Ah, eh... Hehehe... Oo, g-ganun na nga." Nauutal na wika ko.

Shocks! Ang creepy nya tignan. May ganitong side pala itong si Silva.

"Ikwento mo sa aking lahat ng nasa mundo ng mortal," masayang wika nya.

"Ahehehe, kapag kinuwento ko sayo... Baka abutin tayo ng siyam-siyam." Saad ko saka napakamot sa ulo ko.

"A-Anong siyam-siyam?" Naguguluhang wika nya.

"Wala wala..." Tanging naisagot ko nalang.

Patuloy kaming lumalangoy sa malawak at madilim na passage way. Ang tanging ilaw lang namin ay parang lampara hawak hawak ni Silva. Pero imposible naman na magkaroon ng apoy sa ilalim ng dagat.

Well, marami nga sigurong kakaibang misteryo dito sa ilalim ng tubig.

Maya-maya pa ay tumigil sa paglangoy si Silva at saka may kinapa sa nilulumot na pader.

Nagulat nalang ako ng biglang may malaking hugis parihabang pindutan na bumaon sa pader at kusa nalang itong nagbukas.

Bumungad ang isang simpleng kwarto. Kaagad kaming pumasok dun at nagsara ang sikretong lagusan sa likuran namin.

SereiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon