6. I'm so sorry

2K 71 0
                                    

Sarafin & Waylen

Nagising na lamang si Sarafin sa isang mabuhangin na lugar. Nasa tabi nya si Waylen na walang malay. Ang kanilang mga perlas ay nagkalat sa buhanginan. Napatingin sya sa buong paligid, nasa dalampasigan sila.

Madilim ang paligid at tanging buwan at mga bituin sa langit lang ang mga nakikita nya.

Niyugyog nya ang braso ng sireno.

"Waylen! Waylen! Gumising ka!"

Nagulat si Sarafin dahil nakakahinga sya kahit wala sya sa ilalim ng tubig. Namangha sya lalo. Ganito pala dito sa mundo ng mga mortal.

"Waylen! Bumangon ka!" Ulit nya.

Dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Waylen. At napatitig sya kay Sarafin.

"N-nasaan tayo?" Natatarantang tanong ng sireno saka ito bumangon.

"Hindi ko alam, mukhang nasa dalampasigan tayo." Tugon ni Sarafin habang sinusuyod ng tingin ang buong paligid.

"Teka, akala ko ba ay may paa na tayo?" Tanong ni Waylen saka tumingin sa kanyang ibaba.

Walang ibang nandoon kundi ang berde nyang buntot na nadikitan na ng kulay gintong buhangin.

"Palagay ko ay kailangan natin itong hilingin sa kwintas?" Suhestyon ng sirena.

"Magaling sirena. May utak ka rin pala," sarkastikong wika ni Waylen.

"Syempre! Anong akala mo sa akin?" Kunot-noong wika ni Sarafin.

"Oh sige, ipaliwanag mo nga kung paano ito gagana?"

"Dahil kailangan ng kwintas ang isa't-isa, marahil kailangan ding nating humiling ng sabay. Ano sa palagay mo?"

"Sige, ganito ang sabihin natin. 'Nais naming maging isang mortal'. Naii-intindihan mo sirena?"

"Oo," at tumango sya.

Huminga sya ng malalim at saka pumikit sabay hawak sa kanyang kabibeng kwintas.

"Nais naming maging isang mortal,"

"Nais naming maging isang mortal,"

Sabay nilang sambit. Biglang sumilaw ang puting liwanag mula sa kanilang mga buntot at sa isang iglap, biglang naghati sa gitna ang kanilang mga buntot at ito ay naging paa.

"Ito ba ang sinasabi nilang paa? Parang ang gara naman tignan." Sambit ni Sarafin at saka pinagalaw ang kanyang mga daliri sa paa.

SereiaWhere stories live. Discover now