11. Isda at Alimango

1.9K 67 2
                                    

Sarafin & Waylen

"Limang araw na tayo dito sa resort Sarafin. Ngunit hindi parin natin nahahanap ang simbolo." Wika ni Waylen habang nakaupo sa couch.

"Waaaaaah! Wala na! Matatalo na ako! WAAAAH! Ano ba yan!" Inis na sabi ni Sarafin habang naglalaro ng Zombie Tsunami sa hawak nyang android phone. Hindi nya pinapansin ang sireno.

Kabibili lang nito nung isang araw. Pareho na silang may android phone. Itinuro naman ito ni Waylen kung paano gamitin at mabilis naman syang natuto. Ayun nga lang, na-adik sya sa paggamit nito. Gamit nila ito upang magkaroon ng komyunikasyon kapag malayo sila sa isa't-isa.

Patuloy silang namuhay sa mundo ng mga mortal. Ngunit mukhang bigo silang mahanap ang babaeng taga-pangalaga ng kwintas.

"Waylen, nasaan yung c-charger? Wala ng baterya eh." Tanong ni Sarafin. Medyo nabubulol pa sya sa salitang 'charger'.

"Sarafin! Pwede ba! Makinig ka muna! May nakarating sa'king balita na nagkasakit ang hari. At patuloy iyon na lumalala. Kailangan na nating mahanap ang simbolo Sarafin! Hindi ka ba natatakot?!"

Natigilan si Sarafin sa mga sinabi ni Waylen. Ang kanyang ama-amahan. Nanganganib ang buhay nito. Nakaramdam sya ng kakaibang sakit sa kanyang puso. Nami-miss na nya ito. Nami-miss na nya maging sirena. Nami-miss na nya ang Sereia.

Hindi nya namamalayan na may umaagos na tubig mula sa kanyang mga mata.

Nagulat sya.

"WAYLEN! BAKIT MAY TUBIG NA LUMALABAS SA MGA MATA KO?! Matatanggal na ba ang mga mata ko?!" natatarantang tanong nya.

Lumapit si Waylen sa sirena.

"Ang tawag ng mga mortal dyan ay mga luha. Lumalabas ang mga luha kapag ikaw ay nakakaramdam ng kalungkutan o sakit." Paliwanag ni Waylen habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"B-Bakit sa Sereia h-hindi naman tayo l-lumuluha?" Umiiyak na tanong parin nito.

Nais tuloy matawa ni Waylen.

Napaka-inosente talaga ng sirenang ito.

"Kasi ang tubig sa dagat at ang luha ay parehong maalat. Kaya kapag tayo'y naluluha hindi ito lumalabas dahil humahalo lang ito sa tubig. Kaya nga ang basehan ng ating mga emosyon ay ang kulay ng ating mga mata. Katulad ngayon, kulay asul ang iyong mga mata. Ibig sabihin ikaw ay malungkot." Paliwanag ni Waylen.

SereiaWhere stories live. Discover now