19. Goodbye

1.8K 70 0
                                    

Ameshire's POV

Naglalakad ako mag-isa sa beach. Ewan ko ba? Medyo madilim na ang paligid at papalubog palang ang araw. Ang hangin na  lamig ay tumatama sa balat ko. Tanging payapang alon lang ng dagat ang naririnig ko.

Bumabakat sa basang buhangin ang talampakan ng tsinelas ko, na nabubura din dahil sa maliit na alon.

Napatingin ako sa papalubog na araw, sabay buntong hininga.

Naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon. Ewan ko ba sa sarili ko.

Somehow, medyo kinakabahan din ako. Mamayang gabi na ang pagbalik namin sa Sereia. Dapat bago lumitaw ang full moon, nasa tubig na ako. Kung sina Sarafin at Waylen ay magiging permanenteng tao sa oras na hindi sila makabalik sa Sereia, ako naman ay mamamatay. Iyon ang paliwanag sa akin ni Sarafin.

Mabilis na lumipas ang two weeks. Hindi pa ako nakakapagpaalam kina Tiya Madet at lalo na kay Monrex.

"Ameshire?"

"Ay anak ng pritong sugpo!" Sigaw ko dahil sa pagkagulat. "Waylen? Bakit nandito ka?"

"Hehe, yun nga din sana ang gusto kong itanong sa iyo eh. Pasensya na kung nagulat kita." Tugon nya sabay kamot sa ulo.

Oo, tama. Si Waylen ang nasa harapan ko ngayon.

"Hindi, okay lang." I smiled.

"Bakit nga pala mag-isa ka dito?"

"Ewan ko? Naburyong kasi ako. Tapos ayun, dito nalang ako dinala ng mga paa ko." I sighed.

"Mami-miss mo siguro ang mga tao dito sa lupa 'no?" Out of the blue tanong nya.

Magkasabay na kaming naglalakad sa dalampasigan.

"Oo, sila Tiya Madet at Prisha. Kahit ganun sila, atleast hindi nila ako pinabayaan. Si Mil, yung baklitang yun. Lalo na si Monrex..." Sandali akong napatigil.

"Mahal mo ba sya?" Diretso nyang tanong.

Napatitig ako sa kanya.

"Hindi ko alam eh, naguguluhan ako."

"Kinakabahan ka ba sa tuwing nakikita mo sya?"

Dug dug... Dug dug...

"Oo," wala sa sariling tugon ko.

"Naiinis ka ba kapag may kasama syang iba?"

Dug dug... Dug dug...

"Oo," Lalong lumakas ang pagpintig ng puso ko, parang gusto na nitong sumabog.

"Hindi ba sya maalis sa utak mo?"

"OO!" napasigaw ako dahil tamang-tama sa akin yung mga sinasabi nya.

SereiaWhere stories live. Discover now