14. Kaya Pala!

1.9K 69 0
                                    

Ameshire's POV

"Umamin nga kayong dalawa, mga taga-Sereia ba kayo?" Kaagad na tanong ko sa kanila.

Nasa dalampasigan na kaming apat. Ako, si Monrex, si Waylen at si Sarafin. Base yun sa pagpapakilala nila sa'kin. Mga engkantong-tubig daw sila na nag-anyong tao para hanapin ang nawawalang simbolo ng Sereia. At oo, nasakin ang sinasabi nilang "nawawalang simbolo".

And thank goodness! Tuyo na ako! Haha! Buti nalang at tumila narin ang ulan, malapit naring mag-sunset.

"Opo, kamahalan. Mga Sereian nga kami." Tugon ni Sarafin.

"Bakit mo ba ako tinatawag na kamahalan? Hindi ako prinsesa o kung ano pa man. Normal na tao lang ako." Sabi ko.

"Naniniwala akong ikaw iyon. Ang iyong ama ay si Haring Maranon. Hari ng Sereia."

"Hindi pwede iyon, ang tatay ko ay matagal ng patay. Kapitan sya ng barko, at lumubog ang barkong iyon. Yun ang kwento sa'kin ng mama ko." Pilit kong saad.

"May patunay ka ba Sarafin?" Untag naman ni Waylen sa tabi ni Sarafin.

"Oo, meron." Panimula nito.

"Nasa loob ako ng ipinagbabawal na kwarto sa loob ng palasyo, batang sirena pa lamang ako nun. Pumasok ako sa loob nun dahil naglalaro kami ng taguan nila Aslu. Nang makapasok ako doon, nakita ko ang kwartong iyon na medyo kakaiba ang mga disenyo. Unang beses ko lang makakita ng ganun sa loob ng Sereia. May malaking parihaba sa ding ding. Larawan yata ang tawag doon. Naka-pintang larawan ang nakita ko. May tatlong mortal na nandun. Isang babae, isang babaeng sanggol at si Haring Maranon. Nasa anyong mortal din sya..." At patuloy syang nagkwento.

Flashback...

Sarafin's POV

Nang makita ko ang larawan na iyon ay kaagad ko itong nilapitan.

SereiaWhere stories live. Discover now