20. Confession

1.6K 75 2
                                    

Monrex's POV

"Ayusin mo naman Monrex! Ang pangit mo tignan. Isa pa," reklamo ni Sarafin sa harapan ko.

I cleared my throat. Kabadong-kabado talaga ako.

"Kahit hindi pa kita lubusang nakikilala, alam kong-"

"Aysh! Ang pangit! Kailangan ng eye contact Monrex! EYE CONTACT!" sigaw nito sabay nilakihan yung mga mata nya.

Napa-ismid naman ako. Ayos 'to ah! Namuhay lang ng two weeks dito, may eye contact-eye contact nang nalalaman?

"Hey woman! Ikaw kaya sa kalagayan ko? Kinakabahan kaya ako!" Protesta ko.

"Ewan ko sayo! Isa pa!"

Ameshire's POV

"Kambal, waaaaaah! Mami-miss din kita! *sobs* WAAAAH!" umiiyak na sabi ni Mil sa tabi ko.

"Ako din, pero kailangan ko 'tong gawin. Di kita kakalimutan, I promise you that." At saka ako yumakap sa kanya.

"Sige girl, puntahan mo na si Fafa Monrex. Mag-iingat ka girl." At saka ako bumitaw at hinanap si Monrex sa loob ng beach resort.

Medyo madilim na rin ang paligid. Ito na rin ang huling pagkakataon ko dito sa Isla Del Pravda.

Nakita ko malapit sa isang cottage sina Monrex at Sarafin. Last time ko na itong pagkikita sa kanya at maya-maya ay aalis na kami. FOR GOOD, AND I THINK FOREVER.

Tumulo ang mga luha ko. Bakit ba kanina pa ako umiiyak?! Kaasar na ah!

Kailangan ko ng umamin, IT'S NOW OR NEVER.

Napasilip ako sa relo ko. 6:22PM. Kaya pa yan.

Tinakbo ko ang kinaroroonan nila Monrex.

Ngunit nagulat ako nang makita kong lumuhod si Monrex sa harapan ni Sarafin at masuyong hinawakan ang kamay nito.

Punong-puno ng pagmamahal ang mga tingin nya kay Sarafin.

Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Mukhang hindi nila napansin na nakita ko sila.

"Alam mong hindi pa tayo magkakilala ng lubusan, pero kahit na ganun... Mahal na mahal kita,"

What the hell. Those words... Broke my heart into pieces.

Lalong umagos ang mga luha ko.

AKALA KO BA AKO ANG MAHAL NYA?! AKALA KO BA AKO?!

SereiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon