Fourteen> part 2

255 9 1
                                    

Sarah's POV

Napadpad kami sa Pangasinan. Dito kami dinala ng mahabang pagbabiyahe. Kasama ko pa rin si Nana Kare at Cloud. SInabi ko na rin kay Mark na hindi na namin kakailanganin pa ng bodyguard dahil ibinalita sa akin ni Klang na umalis na nga daw ito sa hotel kung saan ako nagtrabaho noon. Binalitaan din nya ako na may naganap na gulo. At nalaman ko pa na yung sinasabi nyang gwapo na kutis artista ay walang iba kundi ang asawa ko. Napag-alaman ko din na mayroon na itong anak.

Totoo pala na anak nya iyon dinadala ni Angelica. Nung nakita ko sila sa mall nakaramdam ako ng kirot sa dibdib lalo pa nung makita ko ang anak nila na sobrang saya. Ngayon masasabi kong sa kabilang banda tama ang naging desisyon ko na iwanan sya. Wala na rin naman syang responsibilidad sa akin dahil namatay na ang anak namin. 

Papalapit si Nana habang buhat ang anak ko.

"Nana Kare, kayo ho munang bahala kay Cloud." katatapos kong magsuot ng stockings saka binuhat si Cloud.

"Oh sige mag-iingat ka. Pagdarasal kong makahanap kaagad ng trabaho.Patnubayan ka nawa ng Diyos"

"Salamat po"

Naramdam ko naman ang mahigpit na yakap ng anak ko dahil siguro nararamdaman din yang iiwan ko sya pero wala akong magagawa kailangan ko talagang umalis.  

"Sorry anak ko ha iwan ka muna ni Mama kay Nana Kare. Mamimiss kita at mahal na mahal ka ni mama" naiiyak kong sabi saka ko sya pinugpugan ng halik.

Nakakalungkot man pero kailangan muna naming magkalayo. Oo masakit bilang ina ang mapalayo sa anak. Noong pinagbubuntis ko pa lang sya pilit ko syang itinatanggi. Kung matatangkap ko ba syang anak ko o kung mamahalin ko ba sya. Magulo ang isip ko nung mga panahon iyon. Labis lang akong nasaktan sa ginawa ng tatay nya. Pero biglang nagbago nung nakarga ko na sya. Para akong binigyan ng Diyos ng pangalawang pagkakataong maging ina. 

"Sige na't humayo ka na baka ikaw pa'y mahuli sa lakad mo. Kakapitan ko na ang anak mo para makaalis ka ng maayos." naiiyak man ako habang kinukuha ni nana si Cloud na mahigpit na yumayakap sa leeg ko. Ayaw nya akong bitawan.

 Hindi ko pwede syang isama sa lahat ng pupuntahan ko baka matunton pa sya ng ama nya. Kung ako lang naman e kaya kong iiwas ang sarili ko sa kanya at magtago hanggat kaya ko  syang takasan.

"Sorry anak ko pero hindi kita pwedeng isama sa pupuntahan ko. Babalik naman si mama e. Wag ka ng umiiyak" sabi ko habang pilit akong nagpipigil ng emosyon. 

I will take you foreverWhere stories live. Discover now