part 2

805 11 4
                                    

“A blast from the past”

Rachelle’s POV

“where’s you mom and dad baby?” sabi ko sa bata. Tinuro naman nito kung nasaan ang kasama nya.

Napatingin ako sa tinuro ng bata. Laking gulat ko na makita yung babae. Napahawak ako sa katabi ko. Nagkatinginan kami pareho. Alam kong pati sya ay nagulat dahil sa laki ng mundo ay hindi nya aakalain na magkikita pa sila. Sabagay kung hindi sila magkakilala posibleng hindi sila magkikitaan.  Oo nga naman. Pero ang alam namin naninirahan na ito sa Amerika at wala ng plano pang bumalik dito matapos ang mga nangyari.

Nakaraan…

Nasa may auditorium kami. Pinag-uusapan namin ang gagawin naming ‘stage play’ para sa gaganapin foundation day ng school.

“okay artists may I have your all attention please” tawag sa amin ng director namin.

“sis di ba ayun yung ‘transferee student’ sa section natin?” sabi ko kay Sarah.

“Oo sya nga. Tara” sabi nito at naglakad na kami papuntang stage.

Kilala kasi ito na hindi naman gaanong nagsasalita at nagpaparticipate sa klase namin. Kaya katakataka na gusto pala nitong sumali sa teatro.

“artist may mga bago tayong membro at sila ang mga napili sa lahat ng nag-audition” anusyo nito. Lumingon ito sa mga bago. “please introduce yourself” utos nito.

Isa – isa na nga silang nagpakilala at isa dun ang kasection namin.

Nang matapos kami sa meeting ay inaya ako ni Sarah na magmerienda sa cafeteria.

“sis, ano sayo?” tanong nya sa akin.

“tulad pa rin ng dati” akmang kukunin ko na ang wallet ko nang bigla nyang tapikin ang kaliwang balikat ko.

“ano ka ba sis! Ako na”. sabi nya.

 “anong akala mo? Nilalabas ko lang naman ha” nagtawanan kami. “thank you sis” sabi ko

“you’re welcome” at nagsimula na itong maglakad

Lagi kaming ganito na kapag nag-aya ang isa siguradong yun ang manlilibre.

Ilang sandal pa ay bumalik na ito sa pwesto namin na may dala dalang tray at ngayon may kasama pa syang iba.

“sige upo ka” sabi nito sa kasama nyang babae. Umupo  si Sarah sa harap ko at inabot ang order ko. Sya naman sa kabilang gilid ko. Pang-apatan kasi ang upuan.

“maja, si rachelle. Rachelle si Maja” palitan ang tingin ni Sarah sa amin ni Maja habang pinapakilala nya kami.

Nagngitian naman kami.

Tinatawag ako ni Sarah sa tunay kong pangalan yun ang sabi ko sa kanya na kapag may ipapakilala sya sa akin gusto ko yung Rachelle ang gamitin nya hindi ang palayaw ko na Shin dahil yung mga taong kaclose ko lang ang pwedeng tumawag sa akin ng ganun since prep pa kami.

“mga miss may nakaupo ba ditto? Makikikain lang po” napalingon kami sa nagsalita. Si Gerald.

“ito naman si Ge. OO naman” sabi ni Sarah. Umupo ito sa gilid namin ni Sarah na katapat na ngayon ni Maja.

“hello shin” bati nito sa akin.

“Gaano ba tayo kaclose para tawagin mo ako sa palayaw ko?” Tinaasan ko sya ng kilay.

“ang sungit mo naman bestfriend” hindi ko alam kung bakit ang hilig nyang asarin ako o talagang pikon lang ako. Pero naalibadbaran ako sa kapreskuhan ng lalaking ito ewan ko ba!

“hehe

pinilit ko na lang ngumiti dahil nakikita ko si Sarah na natatawa at parang may iniisip na naman ito tungkol sa akin.

Lagi nya akong inaasar kay Gerald kahit sa kanya ito nanliligaw. May kasabihan daw kasi na ‘the more you hate, the more you love” pero alam ko sa sarili ko na hindi ako ganun.

 Sorry na lang sya eh sa mataray talaga ako. Marami ngang nagsasabi na suplada daw ako. Pero nasa lugar naman minsan. Ayaw ko munang makipagpalagayan ng loob lalo na sa mga bagong kakilala.

Basta hindi pwedeng magkagusto ako sa nanliligaw na sa bestfriend ko. Ganito rin naman sa akin si Sarah. Ang kanya ay kanya lang. Ang akin ay akin lang. Yan ang ‘number 1 rule’ sa amin pagdating sa mga lalaki.

Pinakilala din ni Sarah si Maja kay Gerald.

Hindi nagtagal naging kaclose na din namin si maja. Madalas kaming tatlo magshopping, manood ng sine at magtravel kung saan saan kasama ang iba pa namin ‘circle of friends’.

Hanggang tumungtong na kami ng college nagkikita kita pa rin kami. Tambayan namin ang bar.  Hindi namin inasahan na magiging ‘party girl goer’ kami. Pero madalas hindi namin nakakasama si Sarah dahil mahigpit sila tito at tita sa kanya.

Magkakaiba nga kami ng school na pinapasukan. Si maja pangarap nyang maging chef, si Sarah maging architect at ako naman ay maging preschool teacher.  

Patapos na kami ng semester ng sabihin sa amin ni maja na hindi na sya dito mag-aaral dahil pupunta na syang Amerika. 

"sis akalain mo yun noh dito pa tayo magkikita kita. Grabe ang tagal na panahon na pala. Isipin mo ha dati ang buong akala natin hindi na natin ulet sya makikita. Tapos, ngayon may anak na sya. Walangju ako na lang pala sa atin ang wala pang pamilya". pagkasabi ko humarap ako ng nakakunot noo sa kanya parang ang lalim ng iniisip.

"huh?" she said in a confusing tone.

"kanina pa ako nagsasalita dito para bang wala kang naririnig" sabi ko bago ko isubo ang pagkaing kinakain ko. 

"ay sorry may iniisip lang ako". sabi nya

"ano ba kasi yang iniisip mo? kanina ka pa ganyan simula nung makita natin si maja. hindi ka ba masaya na makakasama na ulet natin sya?" 

Sarah's POV

Kanina sa mall nang makita ko sya, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba niyakap ko sya dahil namiss ko sya? dapat ba nagtatatalon ako sa tuwa dahil muli na namin syang makakasama? at dapat bang icongratuate ko sya dahil natupad nya yung isa sa mga pangarap nya na magkaroon ng masayang pamilya?

Yun sana ang mga gusto kong gawin nung makita ko sya pero hindi ko yun ginawa. 

Habang nagpapaalam sya sa amin napapatingin ako dun sa bata. Siguro nga tama ang naging desisyon ko noon dahil sa tingin ko naman masayang masaya sila sa buhay pamilya nila ngayon. 

Naalala ko pa nung tanungin ako  ni shin.

"ano ba kasi yang iniisip mo? kanina ka pa ganyan simula nung makita natin si maja. hindi ka ba masaya na makakasama na ulet natin sya?" 

Hindi ko sinagot ang tanong nya. Marahil naiisip ko pa rin yung nangyari dati at ayaw ko na rin balikan pa kaya pinili ko na lang na wag ng sabihin sa kanya yun totoo dahil wala na rin dahilan para ungkatin pa ang nakaraan. 

Pahiga na ako ng biglang tumunog ang phone ko. Katatapos lang namin mag-usap ni Lloydie at ito na naman sya tumatawag ulet. May nakalimutan pa ba syang banggitin? 

Pagkakuha ko ng phone ko sa may side table hindi naman si Lloydie ang tumatawag kundi 'unknown number'.

Ipagpapatuloy...

susubukan ko pong itype agad ang susunod na mangyayari. sana pagbalik ko may mga comments po akong mababasa kahit hindi na vote. kung may magvote man po eh bonus na po yun.

sa mga comments nyu po ako naeexcite. 

thank you :)

I will take you foreverWhere stories live. Discover now