eleven> part 3

541 10 4
                                    

Nagising ako nang maramdaman ko na may yumayakap sa likuran ko at humahalik sa buhok ko. Humarap ako sa kanya. Ngumiti ito.

"Nagising ba kita? Sorry" nakabihis na ito at handa na sa pag-alis.

"Aga naman ng flight nyu" bahagya itong ngumiti.

"Madaling araw kasi ang usapan. Ayokong sya pa ang maghihintay sakin sa airport." 

Kahit gustong gusto ko na syang tanungin kung sino ang kasama pero wala akong lakas ng loob para malaman ang katotohanan na baka may iba pa syang pamilya bukod sa'min.

"Uuwi ka ba? Gusto kong andun ka pagkapangak ko. Makita mo ang baby natin"  

"Susubukan ko" mahinang sabi nya. Sa boses nya parang mararamdaman mong hindi sya sigurado.

"Wag mo lang subukan. Gawin mo" nasa malumanay kong sabi na nagpabangon sa kanya at kumalas sa pagkakayakap sakin.

Nakaupo ito habang nakaharap ang likod nya sakin. Inangat ko ako katawan ko na syang lumingon sa gawing kanan.  

"Sinabi kong susubukan ko. Sana naman intindihin mo na may iba pang mga tao na nangangailangan ng tulong ko!" Madiin nyang sabi.

"Eh ako sa tingin mo ba hindi kita kailangan. Na mas pinipili mo sila kaysa -----" Pinili kong magpakahinahon ng biglang humarap sya sakin at putulin ang susunod ko pang sasabihin.

"Tama na" may pagtitimpi sa boses nito.

"Na mas pinipili mo sila--" ako.

"Tama na!" putol nya. Pero patuloy pa rin ako sa pagsasalita hanggang sa naisigaw ko na ang gusto kong sabihin.

"kaysa samin ng anak ko!!"

Tumayo na ito sa pagkakaupo sa kama.

"Aalis na lang ako mag-aaway pa tayo." 

"So ako ang mali? Ako ang nang-aaway?" umiiling ang ulo nya nang hindi tumitingin sakin. 

"Gusto ko lang makaalis ng maayos. Ayokong umalis ng ganito tayo." bumalik sya ng kama at lumapit sakin. "Please para sa anak natin. Wag na natin pagtalunan to. Kung anuman ang gumugulo dyan sa isip mo mali yan dahil ikaw at ang anak natin ang mahalaga sakin."

Bigla akong nakaramdam ng hiya sa naging asal ko. Hindi ko nakontrol ang sarili kong ilabas ang nararamdaman ko. Tama sya para sa anak namin hindi ako gagawa ng ikakasira ng pamilya namin. 

"I'm sorry." kinulong ko ang mga palad ko sa mukha nya. Tumulo na lang ang luha sa mata ko.

"Ssshhh" Niyakap nya ako sa bewang at niyakap ko din sya pabalik. "Wala yun wag mo ng isipin. Wala kang kasalanan."

Bago sya makalabas ng pinto hinugot nya ang phone nya bulsa. May parang dinadial na number. Tuluyan na syang lumabas. Ang hindi nya alam nasa likod lang ako ng pinto at binuksan ito. 

"Hello..."

"Naayos ko na lahat..."

"Wala akong sinabi. Ayokong masaktan sya"

"Sige na sunduin na kita. Hintayin mo ko"

 "Ok see you bye"

------------------------------

I will take you foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon