Sweetheart

373 6 13
                                    

John Lloyd's POV

Nakita ko siya noong gabi sa party. Hindi ko alam kung may kasama ba siya o talagang mag isa lang siya. Matagal ko siyang tinitigan hanggang sa nakita na rin niya ako. Wala itong reaksyon.

"Let us welcome Mr. Mateo Guidecelli".

"And now he's here" its angelica. Kumapit siya sa braso ko.

Tumingin ako sa harap. Bigla akong nainis sa nakita ko.

I smirked then i saw my wife running.

Gusto ko siyang habulin pero dahil kasama ko si angel nanatili na lang ako sa kinatatayuan ko.

"Ladies and gentlemen thank you for coming tonight but i really must to go. Enjoy all yourselves. Have a goodnight"

Halos kararating lang niya ngayon nagmamadali na siyang umalis.

Biglang nagvibrate ang phone kong nakalagay sa ilalim ng coat ko.

And its erik.

"Boss may nalaman po ako".

________________

Napag alaman kong kasama pala ni sarah ang amo niya sa bar na pinagtatrabahuan niya. Nasisiguro kong ito rin ang kasama niyang umalis ng party kayat hindi na ako nag atubili pa at agad ko namang pinuntahan ito sa condo niya.

Ngunit nabigo ako nang malaman kong wala siya roon. Bigla ko naman sinuntok ang pader na siyang ikinagulat ng nasa harapan ko.

"Hoy teka walang siraan ng pader ng may pader. Nakakaloka!"

"Kaya sabihin mo na kung nasaan siya kung ayaw mong tuluyan kong sirain ito".

"As if naman na kaya mo! Hmp" Mataray nitong sabi. "Bakit hindi mo na lang hayaan siya? She needs more space? Gulong gulo ang isip nun ngayon. Kawawa naman ang kumare ko. Maawa na muna sa kanya kaya please wag ka ng mapilit na sabihin ko sayo ha."

Mas lalong nang init ang ulo ko sa sinabi niya at dahil sa nakainom ako hindi ko na alam ang mga ginagawa ko.

"Ayaw mo talagang sabihin sa akin kung nasaan ang asawa ko!? Hindi mo rin malalaman kung nasaan ang boyfriend mo sa mga oras na ito". Matapos ko syang kwelyuhan dumating na tauhan ko.

"Boss boss umalis na po tayo. Nandyan na po ang mga gwardiya".

"Teka sandali." Sabi nito at pumasok sa loob saka lumabas uli. Inabot niya sa aking ang kapirasong papel. "Ito ang address kung nasaan ang kaibigan ko. Ngayon sabihin mo sa akin kung anong alam mo sa boyfriend ko!" May diin sa pagkakasabi sa boyfriend niya.

Pagkatapos kong sabihin agad na din akong umalis. Hindi na rin kami hinabol pa ng mga gwardiya dahil si yukie na ang nagpaliwanag sa mga nangyareng panggugulo ko dito.

Mabilis kaming nakarating sa sinabing address.

May ipinakita akong ID sa receptionist. Madali nitong itinuro sa aking ang daan. Pasalamat na lang ako na ibinigay din sa akin ni yukie ang id nito para mas madali akong makapasok.

Ngayon ay nasa tapat na ako ng pinto. Paulit ulit kong pinipindot ang doorbell nito pero wala akong pakielam kung maistorbo ko man siya sa pagtulog.

"Ba-ket ang tagal mong buksan ang pinto? May kasama ka ba dyan?" Tinukong ko ang kamay ko sa pader. Sandali ko lang sinilip ang loob.

"Lloydie, umalis ka na. Tignan mo yang sarili mo lasing na lasing ka."

"B-baket mo ako papaalisin eh lasing nga ako? Diba dapat ang asawa ang nag aalaga sa asawa niya kapag nalalasing. Kaya obligasyon mong alagaan ako ngayon." Hindi na ko makakapayag na takasan mo uli ako. Ang tagal kitang hinanap.

I will take you foreverWhere stories live. Discover now