episode 7-

941 10 4
                                    

SARAH'S POV

Ito na ang araw na pinakahihintay ko, ang ikasal ako sa boyfriend kong si Idan na ilang minuto na lang ay asawa ko na. Dalawang taon lamang kami magkasintahan. Hindi ko naman kasi inasahan na papaaga ang proposal nya ng kasal sa akin. Sa totoo lang gulong-gulo ang isip ko nung mga oras na yun. Basta ang alam ko lang mahal ko ang taong yun! mahal ko sya! Ang bebe ko kasi masyadong nagmamadali. Eh ayaw ko na rin patagalin pa kaya pumayag na rin ako kasi baka mawala pa ulit sya sa akin. Minsan na kasi syang nawala nung hinayaan ko syang mapunta sa iba. 

"I love you" sabi nya matapos nya akong bigyan ng madaliang halik sa labi habang magkahawak kamay kami.

"I love you too... I Love you more" sabi ko habang nakataas ang mga balikat ko.

Niyakap nya ako kaya napayakap na rin ako sa kanya. Pareho na kaming nakahinga ng maluwag dahil ngayon kasal na talaga kami. Ang sarap ng feeling kapag kinasal ka sa taong pinakamamahal mo. Hay! 

Diretso na kaming reception. Grabe gutom na ako. Pagkababang-pagkababa namin ng kotse amoy ko na ang masasarap na pagkain pero sabi nya sa akin.

"Beh wag kang kakain ng marami ha" may pagkapilyo pa nyang sabi. Sa isip-isip ko " Huh? Bakit?"

Sabi ko naman "Aaah siguro kaya hindi mo ako papakain ng marami dahil may masama kang balak sakin mamayang gabi noh! Tama ba?" Wala man lang ako nakuhang matinong sagot kundi tawa at pagpapacute nya. Nakakainis na sya feeling ko tuloy ako yung sabik.

Nakaupo na kami ng may lumapit sa amin lalaki na may dala-dalang tray. Nagtaka ako sa inilapag nito. Narinig ko pa si Lloydie "No more, Thanks"

"Ano toh free taste? So ito lang ipapakain mo sa akin?!"

"Di ba nga sabi ko sayo" nagsasalita sya ng bigla na akong sumingt "may balak ka palang gutumin ako edi sana nakapagcelebrate pa kami ng pamilya ko." galit kong sabi sa kanya.

"Hey! Hey! wag ka ng magalit. Sige hahayaan na kitang pumili ng gusto mong kainin pero konti lang ha." Hindi ko sya iniimik. "Beh?... Hoy..." ramdam kong inilalagay nya ang kaliwang kamay nya sa kaliwang braso ko habang hinahawakan nya ang kanang kamay ko.

Ilang sandali pa, niyaya na nya akong umalis.

"Teka, san tayo pupunta? hindi pa tayo tapos. Nandito pa ang mga bisita." sabi ko habang hinihila na nya ako papunta sa mga parents namin.

"Kaya nga magpapaalam na tayo sa kanila. May kailangan pa tayong puntahan." Sabi nya sa akin.

At tuluyan na nga kaming nakaalis. Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta ngayon. Habang nasa loob kami ng kotse nya, hindi ko pa rin sya kinikibo. Alam kong kinakausap nya akopero parang hindi ko sya naririnig. Ewan ko ba basta naiinis ako! Hanggang sa nakatulog na lang ako dala na rin ng pagod ko sa buong araw.

Nang magising ako nasa kwarto na ako at nakahiga na sa isang napakalambot na kama. Hindi ko alam ang lugar na toh. Nasaan na kaya si Idan? Bakit nya ako iniwan dito mag-isa?

Pinakiramdaman ko ang buong kwarto pero talaga ngang ako lang ang tao dito. Patayo na sana ako ng may nakita akong papel sa ibabaw ng wedding shoes ko.

"Good Morning Mahal ko! Sorry na please. Wag ka ng magalit sa akin. I'll make it up to you. I Love you so much."----> your loving husband, Idan.

"Awww! uhmmm kawawa naman ang bebe ko! guilty na guilty ako sa pang-aaway ko sa kanya kagabi. Panget  ang naging asal ko. 

Naisip kung tawagan na sya sa cellphone nya pero hindi pa rin nya ito sinasagot. Hay! Idan, nasaan ka na ba?! 

Paglabas ko ng kwarto nakita kong may hagdan paibaba.

Ipagpapatuloy...

I will take you foreverWhere stories live. Discover now