episode 3

1.1K 11 0
                                    

"Welcome back Idan"  masayang bati ng pamilya nya.

"Aba! para bang hindi ka na nasurprise. Hindi mo ba nagustuhan?"  pagtatampo ng mommy nya.

" Mommy naman, sa tuwing umuuwi ako dito, lagi nyo na itong ginagawa. Sa tingin nyo ho hindi pa ako nasanay?.." biro nya sa ina na waring naglalambing. Sabay yakap nya sa kanyang ina.

"Thank you mommy" sabay halik sa pisngi nito.

"oo nga pala ma, ako ang may surpresa sayo." tumingin sya kay Sarah at kinuha ang kamay.

"Mommy, napapayag ko na po sya." masayang ibinalita sa ina.

"Congratulations sa inyo anak."  tuwang-tuwa ang mommy nya. Tumingin sya kay sarah at lumapit. "Thank you Sarah, anak." hinalikan nya ito sa pisngi at niyakap.

Masayang ibinalita ng ina ang planong pagpapakasal ng dalawa sa lahat ng taong nandun.

"Idan, kelan naman ang kasal?" masiglang tanong ng kanyang ama.

"Thursday!" nagulat si Sarah sa sinabi ni Lloydie kaya sila'y nagtinginan.

"wow! madadagdagan na naman tayo sa pamilya!" sigaw ng panganay na kapatid ni lloydie. "Welcome to the Cruz Clan!" at binati sila ng buo nyang pamilya. 

"Bebe, paano toh? Hindi pa natin nasasabi sa magulang ko tapos alam na ng pamilya mo kung kelan ang kasal. Paano na kung hindi pumayag sila mommy na madaliin ang kasal?" mga tanong na gumugulo sa isip nya. Hindi nya maintindihan kung ano nga ba ang mga balak ni Lloydie para sa kanila. "At saka sa "THURSDAY!" bebe, nakakalimutan mo naman yata na yun din ang araw ng graduation ko.

"SSSssssshhhh... huminahon ka" sabay hawak sa magkabilaang balikat. "Mas maganda nga yun e, double celebration." pilyong sagot nito sa kanya.

"E, Beh nakakainis ka naman e. Seryoso ako.Sabihin mo naman sa akin mga plano mo. Hindi yun magugulat na lang ako na ganito ganyan." may pag-aalala sa mukha nya.

"Ako na ang bahala sa lahat. Okay? wag ka nang mag-alala pa. Basta tuloy na ang plano natin. Gusto ko ng ikasal sayo... tayo... bago pa man ako umalis." Niyakap nya ito at hinalikan sa tagiliran ng ulo.

Ibinigay naman ni Sarah ang buong tiwala nya kay Lloydie kaya nawala agad ang pangamba nya.

I will take you foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon