I'm back... You miss me?

318 5 0
                                    

Naglalakad ako sa pasilyo ng simbahan. Halos abala ang lahat ng taong nakikita ko ngayon dito. Sa mga nakikita ko ngayon parang may ikakasal. May naglilinis ng altar habang nilalagyan ng konting dekorasyon at may mga naggagandahang mga bulaklak sa gitna nito sabayan pa ng redcarpet na lalakaran ng bride at may mga petals pa. Parang nakikita ko ngayon ang dream wedding ko. Hay! ang sarap ng feeling! 

"Mommy!" napatingin agad sa papalapit na bata. Humawak sa kanang kamay ko.

"Mommy are you excited?" 

"Ha?" naguguluhan kong tanong. "Excited saan? Naku baby meron ka bang hindi sinasabi sa akin? ok please tell me." bumaba ako kaunti para magpantay kami.

"Secret po muna Mommy. I made a promise to him e" at tumawa sya.

"Ikaw baby ha you know na how to hide a secret." pagtatampo ko na ikinalungkot ng mukha ko pero kunware lang. Napapaawa lang ako para maawa sya sakin at sabihin ang secret nya.

"Sorry" she said sorry pero nakangiti. Hay buti na lang cute ang baby namin.

"Oh wait saan ka pupunta?" tumakba ito sa papuntang altar.

Ngayon ko lang napansin na wala na yung mga taong nag-aayos. Nagsibukasan sabay sabay ang mga pinto sa gilid at ang daming taong nagsisipasok. Teka! anong nangyayare?

Suddenly, nakita ko si Idan sa tapat ng altar. Nakalahad ang kanang palad nya na nakaturo ngayon sa kinaroroonan ko. Tumingin ako sa likod pero wala namang ibang tao. Bigla akong nakaramdam ng kaba. hindi ko alam ang nangyayare sa paligid ko.

We've come so far

OH MY GOD! 

To leave it all behind

I wonder why

Muli kong tinignan ang buong paligid. Nakita ko yung mga taong malalapit sa akin. 

Why did you go away

You left me all alone

No words can say

My love please stay

Namalayan ko na lang na napapaluha na ako sa sobrang saya. Pupunasan ko na sana ang mga luha ko pero ngayon lang ako napatingin sa suot ko. Nakawhite gown pala ako. Sa likuran ko may nagsabit ng belo sa buhok ko.

You and I

We have moments left to share

You and I

We can make it anywhere

You and I

We belong in each other arms

There can be no other love

Now I know we can have it all

Forever

Sobrang mahal na mahal ko ang taong nakatayo sa dulo nitong nilalakaran ko.  

Each night I pray

That we can be together

Once again

Sa wakas napasaakin ka na ulit.

Forever more we’ll stay

In love this way

No matter what they say

Until the end

Hindi ko na hahayaang mawala ka pa ulit sa piling ko. 

You and I

We have moments left to share

You and I

We can make it anywhere

You and I

We belong in each other arms

There can be no other love

Now I know we can have it all

Forever

Kung panaginip man ito sana hindi na ako magising.

AYOKO NG MAGISING!!!!

"AAAAAAHHHHHHGGGGG!!" 

"Angel anak, anong pinagsasabi mo? Anong ayaw mo ng magising?" Napabangon ako sa wala sa oras. 

"Ma, naman bakit mo ako ginising?!" galit kong sabi kay mama. So panaginip lang pala lahat! Grrr!

Dinuru duro na ng nanay ko ang ulo ko.

"Nananaginip ka habang may tumutulo yan luha dyan sa mga mata mo tapos sinasabi mo pang ayaw mo ng magising! Naloloka ka na ba?!" bulyaw ni Mama. Aga aga ang init ng ulo. Sinabayan pa talaga ako nito.

"Ma naman kasi eh. Nasa kasarapan ako ng pagdeDAY DREAM ko e. Sinabutahe mo pa" Ganito talaga kami ng nanay ko kapag magkasama parang barkada lang turingan namin.

"At ano naman yang panaginip mo aber?" nakapamayweng pa nyang sabi. Inirapan ko sya ng tingin.

"Wala ka na dun" 

"Hanggang ngayon pa rin ba pinagpapantasyahan mo pa rin yan dati mong jowa? E may anak na yun at pamilyado pa! Hindi ka pa rin nadadala." Yan na naman sya pinopoint out na naman yung mga panahong tapos na. Lagi nyang sinasabing pareho lang din ni Idan si Derek. Hay!

"Oh sige na tabi na dyan! tatayo na ako." Pag-iiba ko ng topic. Heto na naman kami. Hanggang sa makatayo ako hindi pa rin si Mama natapos sa mga pinagsasabi nya. Dadak pa rin ng dadak.

"Sa akin ka pa ngayon magagalit. Ewan ko nga ba sayo---------" Niyakap ko na ito para tumigil na sya. Oh edi tumigil din sya.

"hoy ano ba?" kahit hindi ko sya tignan alam kong nakakunot na ang noo nya.

"I Love You Ma" 

---------------------------------

Bumaba na ako ng kotse bitbit ang mga maleta ko. Bakit maleta? Well kagagaling ko lang sa bahay namin. Nag-empake ako ng ilang damit na gagamitin ko para sa pagtira sa bahay ng dalawang taong minamahal ko.

Umuwi ako sa amin dahil nagkasakit nga ang ama ko. Sobrang importante nya para sa akin. Sya na ang tumayong tatay ko kahit hindi nya ako kaano ano tinanggap at minahal pa rin nya ako. Utang ko sa kanya pati na rin sa nanay ko kung ano ako at meron ako ngayon. 

Mabuti buti na ang pakiramdam nya di tulad nung unang punta ko. Nagkaroon kasi sya ng pneumonia na sobrang nakaapekto sa baga nya kaya nanghina ang katawan nya. Pero ngayon nakakakain na sya ng maayos. 

Pagbukas ko ng pinto akala ko madadatnan ko na naman silang naglalaro ng habulan. Hobby kasi ni Sadie na makipaghabulan sa daddy nya tuwing umaga. Pero nagtaka ako walang ingay.

"Ma'am naku hindi ma lang kayo nagpasabi na ngayon ang uwi nyu. Wala dito ang mag-ama nyu." Walang may alam sa set up na ginawa namin. Sa mga magulang nya at kay Mommy lang ang may alam na hindi talaga ako ang tunay na ina ni Sadie. Gayun pa man sobra kaming malapit ng bata kaya napamahal na ito sa akin.

"Saan sila nagpunta?" Nakasunod ako sa likuran nya habang bitbit nya ang maleta ko.

-----------------------------

"Mommy?!" Sadie

"Hi! I'm back..... You miss me?" 

****************

Sorry po natagalan sa pag-update. Try kong araw-arawin ang pagUUD para ganahan ulit kayong magbasa ng fanfic ko. :)

I will take you foreverحيث تعيش القصص. اكتشف الآن