episode 5

1.1K 8 2
                                    

Kinaumagahan ay nagtungo na sila sa lugar kung saan sila magpapakasal para makipagkasundo. Napagsang-ayunan nila at ng buo nilang pamilya na sa huwes na lang muna ikasal ang dalawa dahil wala na rin silang sapat na panahon para ikasal simbahan, hindi rin nila inasahan ito. Naging maayos naman ang naging usapan sa pagpapaschedule ng kanilang kasal. Pagkatapos ay nagpunta din sila sa "boutique" para magpasadya ng kanilang susuotin. Nasa mall na sila at naghahanap ng mabibilhan ng "wedding ring" nang may nakasalubong sila na isang kakilala.

"Oy! Idan! Ikaw na ba yan?"  laking gulat ng babaeng ng makita si Lloydie.

"Hi Gel!" bati ni Lloydie. Narinig naman ni Sarah at napatingin sa babaeng kausap nito.

"Grabe! Ibang-iba ka na ngayon. Ang laki ng pinagbago mo at "infairness" bumabata tayo ngayon ah? ang gwapo mo pa din." puna sa kanya ng babae.

"hehe" napangiti na lang si Lloydie sa kanya.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito? May kasama ka?"

"Kasama ko ang fiancee ko." sabay hawak sa kamay ni Sarah. "Naghahanap kami ng mabibilhan ng singsing."  ngumiti naman si Sarah sa babae at bumati. "Hi Angel!"

"Hello Sarah!" bati ng babae sa kanya at agad din itong tumingin kay Lloydie. "Ikaw ah! Hindi ka man lang marunong mag-invite? hehe biro lang. So, kelan ang kasal?"

"Bukas!" tugon naman ni Lloydie.

"Wow! Congrats! teka nabanggit mo ang singsing. Tamang-tama kasi papunta rin ako dun. May alam ako saan makakabili ng magagandang alahas."

"Hindi kaya makaistorbo naman kami sayo?" nakangiti nitong sabi at tumingin kay Lloydie.

"Ay okay lang. Doon din naman punta ko. May bibilhin din kasi akong hikaw. Kung okay lang din sa inyo?"

"Sige tara!" pagsang-ayon naman ni Lloydie. 

ANG NAKARAAN.................................................

Si Lloydie at Angelica ay matagal ng magkakilala simula pa lang nung mga bata pa sila. Magkalapit lang sila ng bahay noon kaya madalas silang maglaro kasama ng iba pa nilang kaibigan. Magkakakilala ang buong pamilya nila. Nagkalayo lang sila nung lumipat na ng ibang tirahan ang pamilya nila Lloydie. Sa hindi inaasahan ay nagkita sila sa isang "fastfood chain".

"Idan?" tanong ni angelica ngunit may pag-aalinlangan.

"Yes?" sagot naman ni Lloydie na parang hindi nya namumukhaan ang babae.

"Me! Angel!" pagpapakilala nya sa kanyang sarili.

"A---Angel?" nang mamukhaan ito ay napayakap na lang ito bigla.

"Oo ako nga ito! wait lang! hindi ako makahinga. Sandali nga lang, matanong kita. Bakit parang mag-isa ka?"

"Hehe" ngumiti lang ito sa kanya. "well may kasama dapat ako kaso nagtext sya sa akin na hindi sya makakasabay magmeryienda ngayon kasi marami pa silang gagawin."  

Hangga't sa napasarap na ang usapan nila kaya hindi na nila namalayan ang oras. Gabi na nung mapagpasyahan nilang umuwi na. 

"Oy! kanina ka pa tingin ng tingin dyan sa selpon mo. Tawagan mo kaya sya. Baka hinihintay na rin nya ang sundo nya. Wala sigurong load para magtext or matawagan ka."

"Siguro nga. Sige tawagan ko na nga". nagdialed na sya "Hello? Sarah Nasaan ka na?"

"Hello Lloydie, kakauwi ko lang. Nakisabay na ako sa "classmates ko". Ikaw, nasaan ka na? Hinihintay kita kanina kaso sumabay na ako sa kanila kasi wala ka pa. Saka gabi na din."

I will take you foreverWhere stories live. Discover now