ten> part 4

568 8 0
                                    

John Lloyd's POV

Kinakabahan pa ako habang hinihintay syang lumabas ng banyo. 

Nang marinig ko ang pagpihit ng doorknob ay hindi ko malaman kung saan ko dapat ilalagay ang mga flowers na dala ko. 

Nahuli na ang pagdampot ko dahil tuluyan na syang nakalabas at makita akong natataranta.

"Good morning Sexy!"

"Sinong sexy? Naku Mr. Cruz wag mo nga akong binibiro ng ganyan" kumunot ang noo nyang nakatingin sakin. "para saan yan?" 

"For you flowers" sabay abot ko sa kanya. Matagal nyang tinitigan ang mga ito. Akala ko hindi na nya tatanggapin. at tumingin sakin na parang wala ito sa kanya.

"Okay" maikling sagot nya. 

Hindi nya yata nagustuhan ang binigay kong flowers para sa kanya dahil kagaguhan ko kagabi!

Flashback...

Buong araw akong walang tulog. Iniisip ko kung paanong solusyon ang gagawin ko sa mga problema ko. Nagkasabaysabay na kasi ang lahat pati na yung mismong problema ni Art nakisabay na din.

Bukas ng madaling araw ang flight ko papuntang singapore. Usapan namin na dun nya kami hihintayin.

Pagod na pagod akong napaupo sa isang upuan ng Hospital at malaman ang naging result.

Napatakip ako ng mukha sa nalaman. 

Narinig kong tumunog ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag ngayon dis oras ng hating gabi.

"Hello?" walang gana kong sabi.

"Di ba sinabi ko bukas pa ako uuwi! nakakaintindi ka ba ng salitang..." hindi ko namamalayang nasisigawan ko na ang kausap ko. Kanina ko pa sinasabi sa kanya na hindi ako pwedeng bumalik dun dahil mas importante ito kaysa sa problema ng company.

Napakunot ako ng noo ng bigla nya akong patayan ng phone. 

"Tsk!" 

Nang isasara ko na ang phone ko bigla akong natauhan. Hindi ko napansin na sya pala ang kinakausap ko. 

Napasabunot ako sa ulo ko makitang si Sarah pala ang tumatawag at ang masaklap nasigawan ko pa ito. Nang ibabalik ko ang tawag ay tuluyan na nga nya akong pinatayan ng phone.

Nadala ko sa sobrang pag-iisip sa mga problema ko kaya nagiging impalsive ako sa mga taong nakakausap ko. 

Natiyak kong nasa mabuti na ang lahat. Naisipan kong umuwi ng mas maaga para mapaliwanag ko sa kanya ang nangyare kagabi na hindi ko naman talaga sinasadyang masigawan sya.

end...

"Beh" tawag ko sa kanya habang naglilipat sya ng channel.

Katatapos lang namin mananghalian.

"kuya ako na po maghuhugas nyan" alok ni caroline habang kumakain pa sya. Napansin nya yata na hindi ako kinikibo ni Sarah.

Lumapit ako sa kanya para mas marinig nya ang pagtawag ko sa kanya. Pero nanatili itong walang imik at hindi pa rin ako kinakausap.

"Kung ang ikinagagalit mo ay ang tungkol kagabi..." napatigil ako ng bigla syang humarap sakin at tumingin sa likod ko. Nakita nyang papasok si carol sa kabilang kwarto. "...honestly, hindi ko intensyon masigawan ka. Nadala lang ako ng mga nangyayare. Beh marami akong hinarap na problema kahapon. Sana naman...." 

I will take you foreverWhere stories live. Discover now