episode 4

1.1K 8 0
                                    

"Anak, tamang- tama ang uwi mo. Naghahanda na ng hapunan ang mommy mo. Oh! Idan nandito ka na pala. Kadarating mo lang siguro. Malamang kumain na kayo." 

"Daddy..."

"Bakit anak?"

"Ano po kasi..." hindi matuloy ni Sarah ang sasabihin dahil sya'y kinakabahan. Kaya si Lloydie na ang sumagot.

"Kasi po may sasabihin po ako." bigla syang nakaramdam ng kaba.

"Ano ba yang sasabihin mo?" inalok syang umupo muna bago magsalita.

"Ma'am... Sir... kung maaari ho sanang pumayag kayo na..." kinakabahan na rin ang ama ni Sarah sa ano pa mang maaaring sabihin ni Lloydie. "Na hingin ko na ang kamay ng inyong anak na si Sarah. Gusto ko pong pakasalan ang anak nyu." mariing nyang sagot.

Biglang natigilan ang ina ni Sarah sa narinig nyang mga salita ni Lloydie. Hindi naman makaimik ang ama nya dahilan alam nyang nasa hustong gulang na ang anak at saka ipinangako nila na hahayaan na syang magdesisyon sa anumang balak nito sa buhay nya. 

"Mommy..." tawag nya sa ina na papaakyat sa hagdan. Gusto nyang sundan ito ngunit pinigilan sya ng kanyang ama. 

"Sarah, ako na kakausap sa mommy mo mamaya." niyakap ang anak na parang naluluha na. "Ano na ang plano nyu? kelan kayo magpapakasal?" pagpapatuloy ng ama.

"Daddy..." mahina nyang sambit at napatingin sa ama.

"Gusto ko po sana,  na sa mismong araw din ng graduation nya ang kasal. Sa Thursday po." 

"bakit parang nagmamadali naman kayo?" pagtataka ng ama

"Hindi ko na po kasi mahintay na ikasal sa anak nyo. Mahal na mahal ko po sya. Ayaw ko naman pong mawala pa sya sa akin. Kasi sa mga susunod na buwan baka matagalan na akong umuwi-uwi dito." paliwanag ni lloydie na parang naiintindihan sya ng ama ni Sarah dahil alam nya kung gaano kamahal ang anak.

"Dito muna kayo. Puntahan ko muna si mommy nyo sa taas." 

"I'm so happy for the both of you!" masayang bati ng pangalawa nyang kapatid. "Uy naunahan mo pa ako ha!" biro sa kanya ng kapatid para gumaan ang pakiramdam nito na para bang tuliro na sa mga pangyayare.

"Hey! everythings will be okay." sabay hakbay at unti-unting humarap kay Sarah at hinawakan ng kanang kamay ang kaliwang pisngi nito. "Kung hindi man sila pumayag...." bigla nyang binulungan si Sarah sa tenga. tumawa naman ito at pinagpapalo.

"Oh! Oh! ano yan ha? Bakit may pabulong bulong pa kayo jan?" nakukuryus na tanong ng kapatid.

"E kasi toh eh!" pinagpapalo pa rin sa braso si Lloydie.

"Totoo yun!" pagsisiguro ni Lloydie sa kanya.

"wow! galing mo talaga Lloydie. napangiti mo na naman sya." biglang tapik sa balikat nito at hindi na nagawang magsalita ulet dahil may sariling mundo na naman ang dalawa.

"Talaga?!" gagawin mo talaga yun?! Kelan naman?" pilyang tanong nya.

"Ah gusto mo na. Sige!" pilyo din nyang sagot.

"Ano ba naman yang pinag-uusapan nyo? Hindi ko kayo maintindihan?" natahimik na ulet nang bumababa ang ama.

"Kung talagang hindi na namin kayo mapipigil at kung talagang mahal mo ang anak ko at mahal ka  nya din... ay pumapayag na kami." yun na lang ang nasabi ng ama nya dahil yun ang gusto ng anak. 

Niyakap ni Sarah ang ama at nagpasalamat. Nangako naman si Lloydie na aalagaan at mamahalin nya si Sarah sa buong buhay at katapatan. Binati din sila ng mga kapatid ni Sarah. Ang ina naman nito ay hindi na bumaba pa sa kanyang kwarto.  

Ipagpapatuloy...

I will take you foreverWhere stories live. Discover now