episode 6 - "graduation"

972 7 0
                                    

Maaga nagising si Sarah nang biglang tumunog ang cellphone nito. Dali dali naman nyang kinuha ito sa tabi ng kanyang unan.

BEEP! BEEP! BEEP!

Nang makita nyang si Lloydie ang tumatawag ay agad nya itong sinagot at nilagay sa kanyang tenga.

"Hello bebe ko... good morning!" sabi nya sa malambing na tono.

"Good morning!" bati naman ni Lloydie na may kasamang ngiti. " Maganda yata ang gising ng mahal ko ha"

"Bakit ako lang ba? Ikaw?" kinikilig nyang tanong habang nakangiti si Lloydie sa kabilang linya. "Aminin mo napangiti ka noh?"

"Hehe! ikaw kasi ang dahilan ng mga ngiting toh." 

"aayyiiee" napapangiti sa sobrang kilig kaya napapakagat-labi ito. "Tama na nga muna baba ko na toh baka malate pa ang sa graduation ko."

"Okay! basta wag kang malalalte sa kasal natin ha? wag kang masyadong papakapagod okay... babye mahal I Love You"

"Haha... I Love you too"

Matapos usapan nila ay nagsimula na si Sarah mag-ayos ng kanyang sarili. Si Lloydie naman ay hindi na sumama pa dahil may mga kailangan pa syang asikasuhin.

Bago magsimula ang program ay nagpakuha muna silang pamilya ng picture tapos sa mga kaibigan at mga kaklase nito. Naputol ang pakikipagbatian nya sa mga ito ng may natanggap syang bulaklak na inabot ng kanyang kaibigan na ang sabi ay inabot lang din sa kanya ng isang hindi kilalang tao. Nang tingnan naman nito ang nakasulat sa card ay isang pagbati "Congratulations on your graduation Sarah!" ng makita ang pangalan sa card ay kinuha na nya ito at ibinigay kay Sarah. Hindi na nagawa pang tanungin ang kaibigan kung sino o kanino galing ang bulaklak. Nasisiguro nitong hindi si Lloydie ang nagpadala nito dahil kapag nagbibigay ito ng bulaklak ay laging may pangalan ito. Nabaling uli ang atensyon nya ng marinig ang boses ng kanyang ama.

"Sarah!"sigaw ng ama nito. "Congratulations anak! proud na proud kami sayo! sa inyong mga anak namin! kayo talaga ang kayamanan ng mommy nyo!" maluha-luhang sabi ng ama habang pinupusan ni sarah ang luha nito.

"Daddy naman eh... nagdrama pa... hehe" habang nagpipigil syang umiyak. "dahil sa inyo ni mommy kaya nakapag-aral kami sa mga gusto naming eskwelahan at alay ko po ang tagumpay kong ito sa inyo... sa inyong pamilya ko... at buong buhay ko itong ipapagpapasalamat sa inyo... mahal na mahal ko po kayo". tuluyan na ngang tumulo ang mga luha nito.

"Aysus! ang dadrama nyu!" birong sabi ng kanyang kapatid. "Di ba Sarah kasal mo din ngayon?" pagiiba nya sa usapan dahil masyado na silang nagkakaiyakan."Umayos ka nga! dapat masaya ka ngayon! kaya tama na ang drama ha?!"  at niyakap nya si Sarah na papaiyak na rin ngunit pinipigilan nito tumulo ang luha.

"Ay oo nga pala... kasal ko na"  bumalik ang sigla sa kanyang mukha at ito rin ang dahilan ng pagkatahimik ng kanyang ina at napansin nya iyon. Alam nyang hindi pa gusto ng ina nya na magpakasal pa ito dahil masyadong maaga para mag-asawa agad ang anak at marami pa itong balak sa anak. Gusto nitong maging maayos muna ang kalagayan ng anak kahit alam pa nilang nakapagtapos na ito. Marating ng mga anak ang tuloy-tuloy na pag-unlad. Aminado naman si Sarah na marami pa syang gustong gawin at kailangan matutunan lalo na sa pagkakaroon ng sariling pamilya.

Pasakay na sila sa kotse ng yakapin nito ang ina.

"Mommy" matagal pa nasundan ang sasabihin nito. "Thank you" napapikit na laman ito at sinasariwa ang pagkakayakap sa ina. Nung una hindi ito tumutugon sa yakap ng anak ngunit hindi naman nya matiis ang anak. oo galit pa rin ito sa sitwasyon nila ngayon pero para sa kaligayahan ng anak nagpaubaya na sya. 

"sige na... sige na... alis na tayo" sabi ng kanyang ina habang hinihimas ang likod niya para kumawala sa pagkakayakap. at umalis na nga ang mga ito.

Ipagpapatuloy...

Sorry na po kung natagalan ang pag-updates ko. Sana po may nagbabasa po nitong ginawa kong kwento. Ang susunod pong episode ay kinakailangan ng malawak na isipan. salamat po. :)

I will take you foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon