Chapter 39

9.7K 67 45
                                    

Nasa bahay lang si Sarah ng ilang araw dahil sa pa pagka extract ng wisdom tooth niya. Hinde siya nagsasalita ng unang dalawang araw para maiwasang mag dugo. Kailangang maka recover agad siya dahil may show sya sa Dapitan City in a week.Kahit nuong mother's day ay hinde siya sumamang lumabas para i treat mommy niya. Naintindihan naman ng mommy niya yun. Natuwa naman mommy niya sa regalo nila for her. Binati din niya thru text ang mommy ni Gerald at mommy ni Mark at halos lahat ng mommy ng mga close friends niya. Nagpadala din ng bulaklak si Gerald para sa mommy niya. Halos gabi gabi din na dumadaan si Gerald sa bahay nila para dalawin siya bukod pa sa walang sawang mga text messages.

Habang nasa bahay naman ay pinakikinggan ni Sarah mga kakantahin niya sa Dapitan Concert niya sa darating na Sabado. Pinanonood niya mga videos ng mga nakaraang concert niya para maalala mga dance steps niya.Pinadala din sa kanya mga kakantahin niya sa ASAP Sunday. Launching ng album niya sa Sunday. Meron din siyang number with Echo and Richard Poon. Pinadala na sa kanya ang arrangement ng mga songs.

Kahit busy si Gerald sa mga commitments nito hinde niya nakakalimutang kumustahin si Sarah, Madalas itong tumawag or mag text. Naikwento niya sa dalaga na excited ito sa uumpisahang pang primetime teleserye. Naiiba daw ang role niya dito.Very challenging daw at ang mga kasama niyang artista ay mga de kalibre pagdating sa acting.Natutuwa naman si Sarah sa blessings na dumarating kay Gerald.

Habang tumatagal ay nagiging mas close pa sila. Napagkukuwentuhan na nila mga balak balak nilang gawin. Mga pangarap at gusto pa nilang gawin sa buhay buhay nila. Mga gusto pa nilang gawin para sa pamilya nila. Masasabing mas nakilala pa nila ang isat isa at lalo din silang humahanga at napapalapit sa isat isa.

Bago bumalik sa GenSan ang mommy ni Gerald ay sumama din ito isang araw kay Gerald para dalawin siya. Hinde pa masyadong nakakapagsalita si Sarah nun. Hinde sila masyadong nakapag usap pero inasikaso naman sila ng mommy at daddy ni Sarah. Natuwa din mga parents ni Sarah sa pagdalaw na yung ng mommy ni Gerald.

Thursday night. dumaan si Gerald kina Sarah. Dinalhann niya ito ng favorite niyang kainin lately frozen yogurt from Red Mango.

Pinatuloy siya ni Manang at sinabing nasa entertainment room daw si Sarah kaya duon na niya ito pinuntahan. Hinde siya namalayan ng dalaga dahil naka head phone ito at may pinakikinggan sa iPad niya. Lumapit siya dito at ng makita naman siya ay inalis ang headphone. Tumayo ito at bumeso si Gerald.

Gerald:Mukhang ok na ang BabyGirl ko ah. Hinde na namamaga.

Sarah: Ok na ok na , minsan sumasakit pa rin pero kayang kaya ng tiiisin.Nakita ang dala dala ni Gerald.Ano na naman yan? Hinde ka na pumunta dito na walang dala.

Gerald: Favorite mo from Red Mango, di ba hinde naman bawal kainin mo ito?

Sarah: Ay yan gusto ko. Ok lang basta ganito , sabay tawa. Tara kainin na natin.

Gerald: Kaya mo na ba talagang magtrabaho niyan? Concert agad ?

Sarah: Oo, haba na ng pahinga ko. Naiinip na nga ako. Gusto ko ng magtrabaho.

Gerald: Pero concert agad? Baka naman dumugo yan.

Sarah: Hinde naman siguro.Ikaw sabi mo may game kayo sa Cebu? Kelan ang alis nyo?

Gerald: Bukas na, ikaw?

Sarah: Saturday morning na, then balik Sunday morning dahil sa ASAP. Kailangan nasa ASAP ako launching ng One Heart album ko.

Gerald: Sa wakas makikita na uli kita sa ASAP.

Sarah: Kung maka react ka naman , parang hinde mo ako nakikita eh halos araw araw nandito ka.

Gerald: Ibang Sarah din kasi yung nakikita ko sa aSAP kaya excited din ako makita ka duon.

Sarah: Thank you ha, ang tiyaga mo din.

To Love You MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon