Chapter 40

9.2K 70 70
                                    

Nakabalik na galing ng Hongkong si Sarah. It was an amazing experience. She shared the stage with well known high caliber performers gaya ni Ms Leah Salonga na idol na idol talaga niya. Pag nakikita niya ang mga hinahangaang performers na gaya ni Leah na napaka professional at dedicated sa trabaho, mas lalo pa siyang na iinpire na pagbutihin ang trabahol. Kaya naman puring puri din ang dalaga ng mga kasamahan sa trabaho.

Samantala , naging abala din si Gerald sa trabaho. Kahit na lagi niyang naalala ang dalaga, pinipilit niyang libangin ang saril sa ibang bagay. Pag wala siyang trabaho, sumasama siyang lumabas kasama mga kaibigan. Magkikita sila mamaya ni Sarah sa rehearsal ng ASAP.Ilang araw din silang hinde nagkita. Huli nilang pag uusap sa phone ay nuong Lunes. Sinabi niya sa dalaga ang nasa loob , yung takot niya at yung selos na nararamdaman pag nakikita niyang masaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga lalaking may paghanga sa dalaga. Hanggang ngayon iilan pa lang ang nakakaalam ng special friendship na nabubuo sa pagitan nila ni Sarah. Gusto man niyang ipagsigawan sa lahat , ayaw niyang sumira sa usapan nila ng mga magulang ni Sarah pero hanggang kelan?

Magkakasya na muna ako kung ano ibinibigay niya sa akin. Maswerte pa rin ako dahil open din naman siya sa kung ano ako sa kanya. Hinde ko na siya dapat pang kulitin baka lalo pa siyang mainis sa akin at tuluyan akong huwag ng pansinin. Huwag ko na lang sanang makita ang pagiging sweet ni Jericho sa kanya. Nakaka bad trip talaga. Nalampasan ko na yung selos ko kina Mark at Sam, heto naman ngayon tong si Jericho.

Habang nag re rehearse sila ay halos hinde sila nag uusap. Nagtitinginan lang sila. Halos lahat ng ASAP artists ay nanduon at part ng production numbers. Anduon din sina Bea at Kim, Sam at Jericho, pati si Rayver anduon din. . Kanya kanya sila ng part pero sa kanilang dalawa umiikot yung theme ng production number na yun.

After ng rehearsal , kakausapin sana ni Gerald si Sarah pero naunahan na naman siya ni Jericho. Nagpapatawa na naman ito at ang nakakainis, napapatawa niya si Sarah. Sa inis ni Gerald ay umalis ito ng ABS CBN na hinde kinausap si Sarah. Tuloy tuloy na itong umalis.

Nagtaka man si Sarah bakit hinde na niya nakita si Gerald hanggang makaalis sila ng ABS CBN, nawala din agad ito sa isipan ng dalaga. Ang dami niyang gustong tapusing trabaho bago umalis, gusto din niyang matapos mga homeworks niya sa open university kung saan siya naka enrol.

Walang kibo si Gerald sa sasakyan kaya tinanong siya ni Jalal kung ano ang problema.

" I can't stand it!"

"Ano ang problema mo? " Nagiging bugnutin ka yata lately.

"Ano kaya kung kausapin ko parents ni Sarah at humingi ng permiso na huwag ko ng ilihim yung panliligaw ko?" Palagay mo? , tanong ni Gerald sa kaibigan.

"Maghintay hintay ka muna, ano ba kasi problema mo at nagiging malaking issue saiyo yan.Dapat nga matuwa ka sa closeness ninyo ni Sarah off camera. Alam mong kung ano yung pinapakita niya saiyo, tutuo." Swerte mo nga Bro, daming first ni Sarah na ikaw ang dahilan, yun palang dapat mawala na yang mga insecurities mo."

Napangiti si Gerald, tama nga naman ang kaibigan niya. Ano nga ba problema niya. Meron nga ba siyang dapat ika insecure? "Gusto ko sana lumabas kami bago man lang siya umalis. She will be in the US for 5 weeks." "That is very long don't you think? "

" It will go fast, don't worry, and besides I am sure it won't stop you from calling her." Where would you go na hinde kayo makikilala ng mga tao?" Alam mo namang kahit saan kayo pumunta eh makikilala kayo. "

"Yun nga ang dahilan kaya ayaw niyang lumabas madalas, mas gusto niyang sa bahay nila." Saan ko ba siya pwedeng dalhin na walang makakakilala sa amin? "

"Wala akong maisip, kahit na magpa book ka ng private , lalabas at lalabas din yan."

Sa bahay ng mga Geronimo, nasa kwarto ng Ate Shine niya si Sarah. " Ate , weird ba yung nararamdaman ko kay Gerald?"

To Love You MoreWhere stories live. Discover now