Chapter 41

12.4K 86 77
                                    

Matapos makapag paalam sa mga kaibigan na wala pang balak umuwi ay hinanap nina Gerald at Sarah si Sam para magpaalam at batiin uli ito ng Happy Birthday.

"Thanks Bro, I wish I can get away from here but you know, its kind a rude to leave your guests right?"

"Actually Bro, this is a blessing for me, so I should be the one thanking you."

" Happy birthday again Sam and thank you very much." Hinalikan ang binata sa pisngi. Niyakap naman siya nito at sinabing thank you for coming. Hinde alam ni Gerald kung pakiramdam lang niya o talagang napatagal yata yung yakap na yun ni Sam kay Sarah.

Pasimple ng umalis ang dalawa at habang naglalakad sila papunta sa sasakyan ni Gerald ay pasimple ding hinawakan ni Gerald kamay ni Sarah. " Kanina ko pa gustong gawin to eh lagi akong nauunahan ng bestfriend mo pero don't get me wrong hinde ako nagseselos this time. "

"Mabuti naman, tama ba yung ginawa natin? Hinde kaya tayo lalong maintriga?"

Kinabig ni Gerald si Sarah palapit sa dibdib niya at sinabing, alam mo BabyGirl, isa na sa pinaka masayang gabi ko ito.

"Teka lang mamaya may makakita sa atin dito, kung ano isipin, lumayo kay Gerald. Tara na, holding hands na lang , huwag na muna yakap. "

"Minsan talaga nakakatawa mga hirit mo, sino mag aakalang ang galin galing mo ding mang asar."

Sa sasakyan, pinag usapan nila yung nalalapit na pag alis ni Sarah papuntang LA.

"Iniisip ko pa lang na hinde kita makikita ng 5 weeks parang hinde ko na kaya. " Kailangan ba talaga 5 weeks?

"Oo naman, di ba kasi nga meron din akong dance and voice lessons.Hinde lang naman basta bakasyon lang yun. Saka maganda din yun para sa atin, parang test sa atin diba?"

"Anong ibig mong sabihen? Anong test?"

"Subukan nating walang communication ng 5 weeks. Tingnan natin kung kaya natin yun. Kung kaya nating hinde magkagusto sa iba within that time na walang communication."

Biglang nag slow down si Gerald at naghanap ng spot kung saan siya pwedeng huminto ng safe. Nakahanap naman ito at hininto ang sasakyan. Hinarap si Sarah.

"Do you really believe I can do that? No communication in 5 weeks? You mean, no text messages, no phone calls?"

"Oo, bakit naman hinde? Susubukan nga natin di ba?"

"Gusto mo yatang iwanan ko lahat ng trabaho ko at sumama na rin saiyong magbakasyon. Gagawin ko talaga yan pag ginawa mo sa akin na hinde ako kausapin habang nasa US ka."

"Gagawin mo yun? Sobra ka naman! Maraming magagalit saiyo."

"Kaya nga huwag na huwag mong gagawin ni hinde ako kausapin ng 5 weeks. You will drive me crazy. I am serious BabyGirl, I will follow you sa US pag ginawa mo yan . Dito nga lang, ilang araw lang kitang hinde makita at makausap , parang taon na sa tagal tapos sasabihen mong no communication. No, it can not be."

"Di hinde ka papasa test, kung ganoon biro ng dalaga."

Tinitigan ni Gerald si Sarah. "Gusto mo yatang makidnap na ngayon.Hinde na kita iuuwi sainyo. I wil take you home and will tell the whole world that we eloped," he said in a serious tone.

"Huwag kang ganyan ha , lets go na , hinihintay na tiyak ako nila mommy."

"I am serious, BabyGirl, let's elope!"

"You are crazy, hinde pa naman kita boyfriend, bakit ako makikipagtanan saiyo?"

"Di sagutin mo na ako ngayon para maging official na."

To Love You MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon