Chapter 16

7.3K 55 41
                                    

Papunta na sina Gerald sa Tanay, mga 2 days din sila duon at para hinde siya masyadong mainip , dinala niya si JR , isa sa mga aso niya. Isinama din niya si Dennis at  Jalal. Excited siya na kinakabahan. Excited siyang makita si Sarah pero kinakabahan dahil hinde niya alam kung ano ang magiging reaction nito pag nakita siya. 

Nagdecide siya kagabi na pumunta kina Sarah. Hinde niya nakausap ang dalaga dahil natutulog na raw ito. Nakausap niya si Daddy Delfin at nagpaliwanag. 

Daddy D: Hay naku iho, kung kami lang, naiintindihan ka namin . Marami ka pang pagkakamaling magagawa sa buhay mo. Ang mahalaga natututo ka , yun nga lang you pay a prize for your mistakes.  I personally still trust you. Naniniwala naman ako saiyo. 

Gerald: Salamat po, hiyang hiya po ako sainyo ni Tita.

Daddy D: Sa pinag daanan ni Sarah, marami siyang natutunan at sa ngayon palagay ko mahihirapan ang sino man na mapaniwala na uli siya. Kaya good luck iho. Hinde ko na siya pinagising, magkikita naman kayo bukas sa location. Baka bukas magkaroon kayo ng time para mag usap . Pasensya na pag kasi ginising yan ngayon, mahihirapan ng makabalik uli sa pagtulog yun. 

Gerald: Naiintidihan ko po. Salamat po uli at kinamayan ang daddy ni Sarah. Mauuna na po ako. 

Daddy D: Sige iho, ingat sa daan. 

Nasa daan na rin sina Sarah. Tahimik lang ito. Tinitingnan siya ni Shine.

Shine: Bakit tahimik ka yata diyan? 

Sarah: Parang gusto ko pang matulog sabay pikit sa mga mata. 

Shine: Ang aga mong natulog ah,  mukhang pagdating na pagdating natin ,nagbihis ka lang then natulog na. 

Sarah: Napagod ako sa kalalakad natin. 

Hinde na kumibo si Shine. Si Sarah naman ay naalala yung pagkukunwari niyang tulog na siya ng kumatok si manang sa kwarto niya. Alam niyang may bisita siya at alam din niyang is Gerald yun. Nagkunwari siyang tulog dahil   parang hinde niya kayang harapin si Gerald. Hinde niya alam ang sasabihen dito.

Nauna sina Gerald sa set. Wala pa sina Sarah. Hinde maipaliwanag ni Gerald ang nararamdaman. Tingin ito ng tingin kung saan manggagaling ang sasakyan. 

Habang nag se set up ang mga crew and staff, nilalaro naman nila si JR yung St.Bernard na aso ni Gerald. Yung ibang cast ay  nagtatanong kung anong breed yung aso, kung anong pangalan. Dahil malaki ito , yung iba takot pang hawakan o batiin pero yun nga sabi ni Gerald , friendly naman at safe yung aso ng bigla na lang itong tumakbo, nagulat mga tao  na nakapaligid dahil papunta ito kay Sarah na kabababa pa lang ng sasakyan nila.  Hinde inaasahan ni Sarah yung pagtakbo o salubong sa kanya ni JR kaya nagulat ito ng isa sa mga crew ang sumigaw, kasi akala nila ay dadambahin nito  si Sarah pero to their suprise, hinalik halikan ng aso si Sarah na parang kilalang kilala at tuwang tuwa na nakita niya ito. Kitang kita din yung tuwa sa mukha ni Sarah at  hinayaan niyang hinalik halikan siya ni JR. Tawa ng tawa si Sarah ng biglang humiga yung aso at nagpapakamot sa tiyan. Pinagbigyan naman ito ni Sarah . umupo ito at hinaplos haplos yung tiyan ni JR. 

Nagkatinginan na lang sina Fred, Dennis , Jalal at Gerald.  

Fred: Pagkakataon mo ng lumapit Bro.  Tinulungan ka na ni Jr. 

Lumapit si Gerald kina Sarah at bumeso kay Mommy Divine. Bumeso na rin kay Shine, na nag smile naman sa kanya.  Good morning bati niya sa mga ito. 

Good morning, bati naman ng mga ito sa kanya na casual na casual, parang walang pinag dadaanang issue. 

Lumapit siya  sa tabi ni Sarah at nag good morning din siya sa dalaga. Nakaupo pa rin  ito na hinahaplos haplos si JR. 

"Good morning Gerald" , buti naman sinama mo si JR. Nasaan yung isa, kasama mo din? 

To Love You MoreWhere stories live. Discover now