Chapter 17

6.8K 54 28
                                    

Kinabukasan may mga fans na bumisita sa set, mga popsters at geraldnatics. Masaya naman , may mga nagdala ng cake and foods  for Gerald's birthday. Nagkatuwaan pa ang saya saya sa set. Nanduon din yung handler ni Gerald. 

Nhila: Mukhang masaya na alaga ko ah. Nagkausap na ba kayo ? 

Gerald: Oo, kagabi, nagkaintindihan na kami. Mas naiintindihan ko na kung ano pinag dadaanan niya at kung ano yung tutuong nararamdaman nya. Habang nakilala ko siya mas tumitindi yung nararamdaman ko for her. She is extra special. 

Nhila: No wonder kung bakit mahal na mahal siya ng mga fans niya. Nakikita mo ba yang grupo na yan. Ilan sa mga yan kahit saan part ng bansa may concert si Sarah, pumupunta yang mga yan kahit nga out of the country may pumupunta pa rin .You are lucky hinde pa nila alam na nanliligaw ka kay Sarah. 

Gerald: Hinde pa naman ako nanliligaw. 

Nhila: Anong tawag mo sa ginagawa mo? Yung dinner nyo sa bahay mo? 

Gerald: Getting to know each other. 

Nhila: Ligaw na rin yun. Maging maingat ka na please!  Huwag ka ng iinom outside your house, ang dali mong tamaan ng alcohol. Buti na nga lang at andito ka sa malayong location, hinde ka basta basta mapupuntahan  ng mga reporters. 

Nakita nilang palapit si Sarah kaya huminto na sila sa topic nila at sabay na binati ang dalaga. Bumeso ito kay Nhila at kinumusta siya.  

Nhila: Gerald paki kuhanan naman  kami ng pictures please,  pang twitter. Inaabot yung phone niya pero sabi ni Gerald duon na lang sa phone ko , then sent ko na lang saiyo yung picture. 

Fred: Kunwari ka pa , gusto mo lang may pictures siya sa phone mo. Careful Ate Nhila , baka hinde ka kasama , baka mukha lang ni Sarah kinukuha niyan. Akina yang phone mo , kuhanan ko din kayo para sigurado. 

Nagtawanan na lang mga tao sa paligid nila. 

Nhila: Hinde malayong tutuo yan, o sige kuhanan mo din kami , para may extra copy. Nakakaduda nga yang si Gerald. 

Gerald: Kayo naman siyempre yung isang shot , kasama talaga si Ate Nhil. 

Nhila: Di lumabas din may hidden agenda ka.

Sarah: kayo talaga, ang kukulit ninyo.  Asan pala si JR?  Hinde ko yata nakita? 

Gerald: Anduon pa sa sasakyan, duon siya natulog kagabi eh.  

Sige Ate Nhil, will say hi to JR lang . Nadaanan si direk Mae at tinanong kung may eksena na ba siya soon. In an hour pa daw siya kukunan sagot naman ng direktor. 

Sinundan ni Gerald ng tingin si Sarah na kumatok sa pintuan ng sasakyan nya. Nung binuksan ni Jalal yung pinto, tuwang tuwa lumundag si JR at  na off balance si Sarah , muntik na siyang nabuwal. Napatakbo si Gerald  pero naka recover naman agad ang dalaga at hinayaan niyang halik halikan siya ng aso.  

Sa pag aakalang mabubuwal si Sarah dahil sa aso niya ay napatakbo ito para alalayan ang dalaga. Nasigawan tuloy niya si JR.

Sarah: Ok lang naman ako, excited lang naman si JR. Come JR, let's play sabi nito sa aso.

Tinanong si Jalal kung  may  dala silang laruan for JR. Inabutan siya ng frisbee at at malambot na bola.

Tumakbo si Sarah palayo sa set  at sinundan siya ng aso.

Mommy D: Naku anak baka mamaya , ang ipabili mo naman sa daddy mo malalaking aso gaya ni JR.

Sarah: Pwede ba mommy?

Mommy D: Pwede pero sa Pampanga siya mag stay.

Sarah: Paano ko siya malalaro kung nasa Pampanga siya.

To Love You MoreWhere stories live. Discover now