Chapter 12

6.1K 43 0
                                    

Nakaalis na si Gerald , kinausap naman si Sarah ng mga magulang. Ano anak , ready ka na ba uli para mag entertain ng manliligaw?

Sarah: Hinde pa mommy, pero wala naman sigurong masama kung subukin ko di ba? Mahirap namang maging bitter ako forever.

Daddy D: Mukha namang mabait si Gerald, hinde yun maglalakas loob na pumunta ditto at ipag paalam ka kung hinde siya sincere sa pakikipagkaibigan saiyo . Hinde man niya sinabi ng diretso , parang sinabi na rin niyang hihintayin niya hanggang dumating yung time na ready ka na uli. 

Sarah: Naku  daddy, kilalang chick boy yun no, mahirap  na. Sa ngayon wala naman siyang pinapakitang dapat kong ikabahala so  subukan nating makipag kaibigan. Palagay nyo ok lang na sumama akong mag isa sa kanya sa bahay nila?

Mommy D: Anduon naman mommy niya saka mas maganda siguro na wala munang makaalam para hinde ka maintriga. Mainit pa yung tungkol sainyo nina Rayver at Christine. Pati sina ate Shawie mo nadadamay. Sina ate Juday at ate Beth mo nagsalita na rin.  Hay ang gulo gulo na.

Sarah: Yumakap sa ina at sorry mommy pati kayo na te tension dahil sa katigasan ng ulo ko. 

Mommy D: Anak, hinde ka naman naming totally masisisi. May kasalanan din kami sa nangyaring to.  Ang mahalaga, pare pareho tayong may natutunan.

Napuna ni Fred ang kakaibang sigla ng kaibigan sa set. “ Bro, mukhang tutuo yata yung balitang nagkabalikan na kayo ni Kim ah.” Ibang iba ang aura mo, super saya mo yata today.

Gerald: Talagang super saya ko Bro, pero hinde dahil nagkabalikan kami ni Kim. Don’t tell  me Bro, naniwala ka sa balita na yun?

Fred: Ako pa? Actually magkakasama kami nina Jalal at Ali kahapon ng mabasa namin sa twitter yang balita na yan. Tapos tiningnan namin yung mga pictures, sabi namin ahhhhh. Bakit ba nag sosolo ka kasing mag shopping.Bakit hinde mo kami sinama?

Gerald: Nag window shopping lang naman, kumukuha ng idea akalain ko bang anduon din sila. Anyway, sasamahan ba ninyo ako sa Monday? Yung party for Cancer Warrior, sa chow king yun ha.

Fred: Oo naman, kami pa, libre foods pwede bang palampasin yun. Ano , gimik tayo sa Saturday? Walang shooting that day. Labas naman tayo , tagal na nating hinde nagkasama sama sa outing ha, treat mo sa amin sa birthday mo, biro ni Fred.

Gerald: Sa ibang araw na lang Bro, huwag na sa Saturday.

Dumating na sina Sarah sa set at napansin ni Fred na nawala na naman ang kaibigan sa sarili.

Fred: Tingnan mo nga naman pati aso gustong palitan ng pwesto.

Gerald: Ha, anong sinasabi mo?

Fred:  Kako buti pa aso , nahahalikan sa lips.

Pabirong tinapik ni Gerald ang kaibigan. Tigilan mo nga ako Bro, nang aasar ka na naman eh.

Fred: Hinde  na siya masyadong malungkot  no? Palagay mo sila na ni Mark Bautista? Magmula ng dumalaw sa set yun , hinde na siya masyadong malungkot. Naririnig mo na uli yung nakakahawa niyang tawa at yung pag kinukulit niya yung mommy at aso niya, nakakatuwang panoorin.

Gerald: Nabawasan na yung lungkot niya dahil magkaibigan na uli sila ni Mark. Si Mark ang tinuturing niyang male bestfriend kaya nuong hinde siya kinakausap ni Mark mas malungkot siya.  Nung dinalaw siya dito sa set, syempre natuwa siya ng todo , ganoon din parents niya dahil parang anak na rin nila si Mark.

Fred: At talagang alam mo yan ha, sino naman nag sabi saiyo?

Gerald: Si BabyGirl ko, opps, babygirl ko sa panaginip sabi mo nga. Naka kwentuhan ko sya kahapon.

Fred: Ayun naman pala kaya masaya ka, may developments naman pala. Wala naman palang dapat ipagselos kaya ang aliwalas ng kanyang mga ngiti.

Ok, Gerald,  Sarah, security details, ready na , take na tayo, sigaw ni Direk Mae.  Ready ka na rin Matt ha, lapit ka na rin .

Ilang oras lang tapos , na yung scenes at nag ready na sila Sarah para pumunta sa studio for dubbing ng ilang eksena.

Susunod din duon sina Gerald , at nung magpaalam sila, beso sabay bulong ng buti pa si cha cha lagi mong yakap.

Nahampas tuloy sya at nagtaka mga kasamahan nila bakit napalakas yata hampas ni Sarah kay Gerald pero walang nagtanong. Napatingin lang, si Sarah naman nag blush.

Masaya ang lahat na nagtrabaho, kulitan, tuksuhan sa mga pagkakamali ng bawat isa. Buti na lang walang pikon.

Ok wala tayong shooting till Tuesday, at balik tayo sa Tanay for two days.  Two days tayo duon and after that we are almost done.

Sarah and Gerald, you still have two big scenes , yung break up scene at yung ending.  Ikaw Gerald, meron ka ding scene with Christopher de Leon. Basahin mong mabuti yung script ha. Paghandaan mo yun. Bilin ni Direk Mae sa kanila.

Yes direk sabay na sagot nina Sarah at Gerald.

Papunta na sa sasakyan niya si Sarah ng mag ring ang phone nito.

 Sarah: Hello, uuy napatawag ka, saan ka ngayon?  Ganoon? Sige ingat , yung pasalubong ko ha. Ok regards kina mama at papa mo at syempre kina ate Princess. Miss ko na sila, tagal ko na silang hinde nakikita ha, lalong lalo na si Ate Princess. Kelan balik mo? Saturday? Ahhh ok, sige labas tayo pagbalik mo? Huwag na  sa bahay na lang, swimming na lang tayo, then nood tayo ng sine after. Mas masarap pang magluto si Ate Shine duon,.

Gerald: Sino kaya kausap niya. Saya naman nilang mag usap. She invited him/her swimming. Sana babae yung kausap niya.

Lumapit lang si Gerald ng tapos ng makipag usap si Sarah.

Gerald: Ako kelan mo kaya ako invite to swim with you? Pabulong na tanong nito sa dalaga.

Sarah: Ikaw ha nakikinig ka sa private conversation. That is rude.

Gerald: Hinde naman sinasadya, kaya nga hinde ako lumapit, napalakas yata boses mo or pinaparinig mo lang sa akin para lalo akong magselos?

Sarah made a face at him and continue walking.

Gerald: Ikaw naman hinde  na mabiro, uwi na kayo or may lakad pa?

Sarah: Uwi na  , may TVC  shoot ako bukas , then may rehearsal ako sa for ASAP, ikaw ba , sa Sunday ba yung  Birthday celebration mo?

Gerald: Oo  , sayang gusto ko sana kasama ka duon eh.

Sarah: Mabuti na siguro yung solo mo for now para wala kang ma offend na fans. Smile nito sa binata.

Mommy D: Ready ka na anak, we have to go.

Gerald, lumapit sa van at bumeso, ingat po Tita.  Ingat BabyGirl sabay beso din kay Sarah.

To Love You MoreOù les histoires vivent. Découvrez maintenant